Tuloy ang pagkatuto: Estudyante mula sa Bicol, hinangaan dahil nahiga sa isang bangka at doon nagbasa ng aklat

  • Viral sa social media ang larawan ng isang batang babaeng masipag pa ring magbasa kahit na napaaga ang bakasyon ng marami
  • Kahit kasi nasa palaisdaan, bitbit nito ang kanyang aklat kahit na nga mahiga ito sa bangka basta makapagbasa lamang
  • Proud naman ang mga magulang ng bata sa kasipagan ng anak at inspirasyong dala nito sa ibang mga mag-aaral

Maraming mga estudyante ngayon ang anunsiyami ang pag-aaral. Bagama’t nagkaroon naman ng konsiderasyon ang maraming paaralan, marami pa rin ang nanghihinayang na hindi nila natapos ang nagdaang school year dahil kinailangang mag-ingat mula sa banta ng C0VID-19.

Sa ngayon nga, pinag-aaralan pa rin kung paano makababalik sa paaralan ang mga estudyante ngayong patuloy na nadaragdagan ang kaso ng C0VID-19 sa bansa. Gayunman, mayroong mga mag-aaral na gumagawa ng sariling paraan upang matuto pa rin kahit nasa bahay lamang.

Larawan mula kay Virgie Mataverde via Mission Possible FB page

Trending ngayon sa social media ang larawan ng isang batang babae na nakahiga sa isang bangka hindi upang magpapresko lamang kung hindi para magbasa ng kanyang aklat. In-upload ng Facebook page ng TV show na Mission Possible ang larawan ng batang si Hannah Mataverde na nagsilbing inspirasyon sa marami.

Hawak ang kanyang libro, chill na chill si Hannah na nag-aaral habang nakahiga sa isang bangka. Nakuhanan ng larawan ng ina ni Hannah na si Virgie Mataverde ang anak na gustong-gusto raw talagang magbasa at matuto. Kaya naman kahit nasa isang bangka upang magpahangin, ay bitbit pa rin nito ang aklat at patuloy na tumutuklas ng kaalaman.

Ayon sa Pilar Reading Center kung saan naka-enroll si Hannah, palaisdaan daw iyon na pag-aari ng mga magulang at lolo at lola niya. Dumadalaw daw talaga sila roon linggo-linggo pero hindi nakaliligtaang dalhin ni Hannah ang kanyang aklat.

In-upload raw ni Mommy Virgie at ng reading center ang larawan ni Hannah upang maipakita na kahit nasa bahay ay dapat tuloy-tuloy na nagbabasa ang mga kabataan. Dapat daw ay mas maraming oras pa rin sa pag-aaral kaysa sa paglalaro ng gadgets.

Larawan mula kay Virgie Mataverde via Mission Possible FB page

Marami namang mag-aaral ang na-inspire kay Hannah. May ilan pa ngang nakagawa ng tula mula sa napakagandang kuha kay Hannah habang nasa bangka. Proud naman ang mga magulang ni Hannah sa kanilang masipag na anak.

Maging ang Department of Education (DepEd) Bicol ay napansin na rin ang kasipagan sa pag-aaral ni Hannah. Na-feature na rin ang bata sa kanilang Facebook page kaya naman mas maraming narating ngayon ang nakabibilib na kasipagan niya sa pag-aaral.

Loading…