TV station ng gobyerno dapat gamitin ng DepEd sa Distance Learning Program nito – Sen. Francis Tolentino

  • Iminungkahi ni Senator Francis Tolentino na gamitin ng DepEd ang PTV-4 para sa Distance Learning Program nito
  • Isa umanong ideal platform ang PTV-4 sa mga mag-aaral na walang internet connection
  • Iminungkahi rin ng senador na ipalabas sa mga school gymnasiums ang mga educational program ng PTV-4 upang maraming estudyante ang maabot ng programa

Hinihikayat ni Senator Francis Tolentino na makipag-ugnayan sa PTV-4 at sa National Telecommunications Commission (NTC) ang Department of Education (DepEd) upang mapalawak ang maaabot ng Distance Learning Program nito.

Public Domain image

Sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Basic Education na pinamumunuan ni Senator Sherwin Gatchalian, sinabi ni Senator Tolentino na magiging instrumental ang PTV-4 sa pagpapalakas ng distance learning para sa mga mag-aaral, lalo na ang mga walang internet connection.

“The PTV-4, as a free TV channel, is an ideal platform especially to students who don’t have internet access at home,” sabi ng senador.

Hiniling din ng senador kay NTC Deputy Commissioner Engineer Egdardo Cabarios na makipag-ugnayan sa DepEd upang maisakatuparan ang kanyang iminumungkahi.

“Dapat kumikilos na ang NTC and act as a bridge between PTV-4 and DepEd. Sa China at Kenya ginagawa iyan. Nagpapalabas ng mga program doon para matuto mga bata,” ani Sen. Tolentino.

Agad namang sinag-ayunan ni Cabarios ang proposal ng senador at sinabing agad siyang maglalabas ng isang circular o memorandum hinggil sa programa.

Imahe mula sa Summit Express

Iminungkahi rin ni Senator Tolentino na ang mga educational programs na gagawin sa PTV-4 ay ipalabas din sa mga school gymnasiums upang mas maraming mga mag-aaral ang makapanood. Kailangang lang sundin ang physical distancing kapag nasa gymnasium.

Sa August 24 ngayong taon inaasahan ang pagbubukas ng klase sa ilalim ng school year 2020-2021. Subalit dahil sa umiiral na health crisis, inihahahanda ng DepEd ang programa para sa distance learning o online classes.

Maraming mga guro, lalo na ang mga nagtuturo sa mga paaralan sa liblib na lugar, ang nagpahayag ng agam-agam sa online classes dahil sa kawalan ng internet connection sa mga kanayunan.

Imahe mula sa DepEd

Loading…