VP Leni, nagpahayag ng saloobin hinggil sa pagpapasara sa ABS-CBN

  • Nagpahayag ng kaniyang saloobin si VP Leni hinggil sa pagpapasara sa ABS-CBN Kapamilya Network
  • Aniya, hindi napapanahon ito lalo pa’t nahaharap ang bansa sa krisis ng COVID–19 pandemic
  • Dapat daw ay nagkakaisa tayo sa pagsiguro sa kaligtasan ng bawat Pilipino

Marami sa mga sikat na personalidad ang nagpahayag ng kanilang saloobin hinggil sa pagpapatigil ng broadcasting ng lahat ng ABS–CBN Channels, maliban sa mga units at subsidiaries nito sa cable TV at online platforms. Isa sa mga kaagad na nagbigay ng saloobin at komento sa mismong gabi ng pag–sign off ng Kapamilya Network si Vice President Leni Robredo.

Batay sa Twitter post ng Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong Mayo 5, 2020, hindi raw makatarungang ipasara ang pag–ere ng Kapamilya Network lalo na’t nasa krisis ang bansa. Pagkakaisa raw ang kinakailangan ngayon at hindi panggigipit.

Imahe mula sa Twitter post ni Leni Robredo

“Bakit ginagawa ang ABS-CBN shutdown sa panahong humaharap tayo sa matinding krisis? Walang puwang sa panggigipit at pansariling interes sa panahong ganito. Dapat nagkakaisa tayo sa pagsiguro sa kaligtasan ng bawat Pilipino,” aniya.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“Last time I checked, when ABS-CBN was forced to shut down, someone got ousted and a widow became the first female president to regain democracy. You will lead soon our VP,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “On the third try, baka ma-gets na ni Leni kung bakit di na puwedeng mag-operate ang ABS-CBN. #YesToABSCBNShutdown #ShutdownABSCBN.”

“The point is, bakit hindi nire–renew ang franchise? Noong inimbestigahan, bayad naman ang taxes ng ABS, na siyang sinasabing dahilan bakit di nire–renew ang franchise. Nag–apela na rin, pero bakit ang tagal na napending? So dito natin nakikita ang power tripping ng mga nasa kapangyarihan,” pahayag naman ng isa.

Giit naman ng isa, “Ang issue is FRANCHISE EXPIRED. Whether may pandemic or wala ang franchise nila, it supposedly ends on the 4th day of May, 2020. The law is the law. No one is above the law.”

Public Domain Image

Noong gabi ng Mayo 5, 2020, agad na tumigil sa ere ang ABS-CBN Kapamilya Network matapos ilabas ng National Telecommunications Commission o NTC ang cease at desist order matapos ang expiration ng prangkisa nito noong Mayo 4, 2020.

Loading…