Wala pang pormal na direktiba sa kanselasyon ng 2nd tranche ng cash aid sa GCQ areas – DSWD

  • Hinihintay ng DSWD ang pormal na direktiba mula sa Pangulo hinggil sa kanselasyon ng 2nd wave ng SAP cash aid sa GCQ areas
  • Inanunsyo ng DILG na hindi na makatatanggap ng cash aid ang mga low-income families na nasa GCQ areas
  • Umaapela naman kay Pangulong Duterte ang mga pamilyang maaapektuhan ng kanselasyon ng ayuda

Hinihintay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pormal na direktiba mula kay Pangulong Rodrigo Duterte kung kakanselahin na ang 2nd tranche o ang  ikalawang bugso ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) sa mga lugar na isinailalim sa general community quarantine (GCQ).

Imahe mula sa Philnews

Matatandaang nagbigay ng pahayag ang Department of Interior and Local Government (DILG) noong nakaraang araw na ang mga low-income families sa mga GCQ areas na kabilang sa mga tumanggap sa first wave ng cash aid ay hindi na makatatanggap ng cash benefits sa 2nd wave ng SAP.

Ang mga low-income families na naninirahan sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) na lang umano ang bibigyan ng ayudang cash.

“Tama po kayo. Kung kaya nga po hinihintay natin ang written directive mula sa Office of the President,” pahayag ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao.

Sinabi ni Dumlao na kailangang makatanggap muna ng formal directive ang DSWD bago nito mabigyang-linaw ang kanselasyon ng 2nd wave ng cash aid.

Imahe mula sa DSWD

Ang kanselasyon ng 2nd wave ng SAP cash aid sa GCQ areas ay taliwas sa naunang pahayag ni DSWD Secretary Rolando Bautista noong nakaraang buwan na nagbigay ng assurance na makatatanggap  pa rin ng cash aid ang mga beneficiaries kahit alisin na ang ECQ sa kanilang lugar.

“Kami po ay humihingi ng kaunting pang-unawa sa ating mga kababayan na ninanais naman po natin na mabigyan ng ayuda sa panahon nga po ng krisis. Sa deklarasyon ng GCQ, inaasahan natin na manunumbalik muli ang komersyo at makakabalik sa trabaho ang ating mga kababayan,” ani Dumlao.

Screenshot mula sa GMA video

Nananawagan naman kay Pangulong Duterte ang mga benepisyaryo na maapektuhan kapag itinigil na ang 2nd tranche ng cash aid sa GCQ areas. Anila, wala pang kasiguruhan na makapagta-trabaho na sila kapag nasa GCQ na ang kanilang lugar.

Source :

GMA Network, MSN

Loading…