Wild animals, madalas na raw mamataan ngayon sa Calabarzon ayon sa DENR; nakiusap na huwag galawin ang mga ito

  • Dahil daw sa ECQ, mas gumanda ang lagay ng kalikasan, ayon sa ilang ulat na natatanggap ng DENR
  • Mas marami na rin umanong wild animals ang nakikita ngayon lalo na sa rehiyon ng Calabarzon
  • Pakiusap naman ng DENR, huwag gagalawin ang mga hayop at agad na tumawag sa kinauukulan kung may makita

Maging ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay naniniwalang mayroong magandang epekto ang enhanced community quarantine (ECQ) sa ating kalikasan. Maging sila ay may mga pag-aaral na bumuti nga ang lagay ng kalikasan katulad na lamang ng magandang balita mula sa Region IV-A o Calabarzon.

Madalas daw makatanggap ng ulat ang DENR na mayroong mga namamataang wild animals sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon (Calabarzon) ngayong may umiiral na ECQ. Isa sa mga nakita ay ang mga batang Brahminy kite na nakita sa Mabini, Batangas.

Larawan mula sa Wikipedia

Agad naman daw itong dinala sa Biodiversity Management Bureau (BMB). Matapos nito ay dinala ang mga ito sa Wildlife Rescue Center sa Quezon City upang obserbahan at tsaka muling ilalagay sa kanilang tahanan sa kagubatan.

Batid ng DENR na mas maraming hayop pa ang mamamataan ngayon sa iba’t ibang lugar at hindi lamang sa Calabarzon. Kaya naman nakiusap sila sa mga residente na kapag may nakitang wild animal ay huwag galawin ang mga ito pwera na lamang kung hindi maganda ang kondisyon ng mga ito.

Kung mayroon daw na makikitang wild animal, maaari daw makipag-ugnayan sa pinakamalapit na tanggap ng DENR o sa barangay upang agad na maiparating sa mga kinauukulan ang namataang hayop. Maaari daw kasing makapahamak sa mga hayop kung hindi eksperto ang huhuli sa mga ito.

Sinabi rin ni DENR Secretary Roy Cimatu na dahil mas limitado ang gawain ng mga tao ngayon dahil sa quarantine, nakatulong ito sa ating kalikasan at nagkaroon ng sapat na panahon ang iba’t ibang likas-yaman na makapagpahinga.

Larawan mula sa Facebook

“According to our wildlife experts, animals feel much more comfortable going around because there are lesser people in the streets and public spaces because of the continuing ECQ,” pahayag ni Cimatu.

Ipinagbabawal din sa batas ang paghuli at pag-aalaga ng mga wild animals ayon sa Republic Act 9147 o Wildlife Conservation and Protection Act of 2001.

Loading…