Working student ibinahagi ang hirap na dinaranas bilang grocery worker, may apela sa mga mamimili

  • Working student, tuloy ang trabaho bilang frontliner ng grocery store
  • Umapela siya sa mga kustomer ng mahabang pasensya
  • Kahit magkaroon ng ipong pera, pipiliin pa rin daw niya ang magserbisyo

Para matupad ang pangarap na maging pulis at makatulong sa pamilya, patuloy na nagsusumikap ang working student na si Mark Dionel Nosquial sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa isang grocery store.

Image capture of video by GMA Public Affairs via YouTube

Pagbabahagi niya sa episode ng “Frontliners: A Brigada Special Online Series”, ayon sa GMA News, gumigising siya ng alas-tres ng umaga para pumasok nang maaga dahil nag-a-adjust sila sa dami ng kustomer.

Aminado si Mark na mahirap ang trabaho at sumasakit ang katawan dahil sa maghapong nakatayo.

Maliban sa pagtatrabaho bilang bagger, nagdedeliber din siya ng itlog sa palengke.

Sabi niya, mayroong mga kustomer na walang pasensya at gustong sila ang mauuna at isa ito sa nagpapahirap sa kanilang trabaho.

Kaya apela niya sa kanila na sana’y maintindihan din ang kanilang kalagayan na nahihirapan at laging huli sa pagkain para lamang mapagsilbihan sila.

Natutuwa rin umano siya kapag tinatawag silang frontliner dahil naa-appreciate ang mga sakripisyo nila.

Mahirap man at takot mahawaan ng COVID-19, wala siyang pagpipilian dahil kulang ang sahod ng ina bilang barangay secretary at ang trabaho ng ama ay apektado ng ECQ.

Sa P1,500.00 na kinikita niya sa isang linggo, P500.00 dito ay inilalaan sa panggastos sa tahanan habang ang nalalabi ay itinatabi para sa kanyang pag-aaral.

Para maprotektahan ang sarili sa COVID-19, palagian siyang nagsusuot ng face mask at naghuhugas ng kamay.

Image capture of video by GMA Public Affairs via YouTube

“Kung may sapat po akong ipon, magtatrabaho pa rin po ako kahit po may posibilidad at may takot po na mahawa po ako mismo at maaaring ikamatay. Pipiliin ko pa rin pong magserbisyo sa tao kasi ganoon nga po ang gusto ko,” sabi niya.

Para sa mga nais tumulong kay Mark, maaari siyang kontakin sa CP# 09367710217.

Panoorin ang kuwento ni Mark, magsisimula ito sa 6:15 marka ng video mula GMA Public Affairs sa YouTube.

Source :

YouTube, GMA News

Loading…