Yakang-yaka pa! 76-anyos na lola, nagpasiklab sa paglalaro ng jumping rope; nag-exhibition pa

  • Sikat ang isang lola dahil sa husay nitong mag-jumping rope sa kabila ng edad
  • 76-anyos na raw ang lola pero mahusay pa ring tumalon at nag-e-exhibition pa
  • Nasa 400,000 views na ang video ng matanda na nagpapa-good vibes ngayon sa netizens

Noong Marso, bago magkaroon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon, naiulat namin ang paglalaro ng mga nanay ng sikat na larong Pinoy at larong kalye na tumbang pres0. Tila bumalik sa pagkamusmos ang mga mommies na enjoy na enjoy sa kanilang paglalaro.

Ngayon namang nasa bahay lang lalo na ang mga senior citizens, isang lola ang nagpatunay na kalabaw lang ang tumatanda. Nagpasiklab kasi ang matanda sa paglalaro ng jumping rope na isang nakapapagod na laro at kinakailangan ng pangangatawang malakas.

Larawan mula sa Facebook video ni D’Matty Tino

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng netizen na si D’Matty Tino ang video ng isang 76 anyos na lol ana masayang-masaya sa paglalaro ng jumping rope o luksong lubid. Sa bakuran ng kanilang bahay, ipinakita ni lola na wala pa siyang rayuma at kaya pang tumalon-talon na parang bagets.

At hindi lang simpleng pagtalon sa lubid ang ipinamalas ni lola. Ipinakita niya rin ang natatagong husay sa exhibition sa jumping rope. Ginawa pa nya ang ‘ekis’ o pagtalon sa lubid na pinaaandar nang naka-ekis na kamay.

Magkahalong pagkaaliw at pag-aalala naman ang nararamdaman ng kumukuha ng video na si D’Matty. Ayon sa kanya, maririnig sa video, na dapat ay maghinay-hinay na si lola sa kanyang ginagawa dahil malamang daw ay sa pagamutan ang bagsak nila kapag nagkabali ito dahil sa ginagawa.

Pero natapos ang buong video nang masigla pa si lola. Nagbigay din ng good vibes ang matanda sa mga netizen. Agad na nag-viral ang kanyang video at umabot na sa halos 400,000 ang views ng jumping rope exhibition ng masiglang lola.

Larawan mula sa Facebook video ni D’Matty Tino

Mayroon na ring 14,000 reactions, 2,000 comments, at 12,000 shares ang paandar ni lola. Ayon sa mga netizens na nagkokomento, nakangiti raw sila buong video na pinapanood si lola. Ang cute daw ng matanda na hanggang ngayon ay may ibubuga pa sa paglukso.

Sabi naman ng ilang netizens, kailangan nilang malaman ang sekreto ni lola para maging fit at the age of 76. Kailangan daw ibahagi ni lola ang kanyang diet at routine kung paano magkaroon ng masiglang katawan kahit may edad na.

Panoorin ang napakasiglang lola na naglalaro pa ng luksong lubid:

Loading…