Yung classmate na hinihintay kang magkamali: Kim Chiu nag-react sa muling pagdagsa ng bashers

Imahe mula sa Facebook | Johann Permejo at Instagram | Kim Chiu
  • Sinagot ni Kim Chiu ang mga bashers na muli siyang ginawan ng meme dahil sa nakalilitong pahayag niya sa isang panayam
  • Dahil emosyonal ay pautal-utal niyang sinabing dahil sa liham ng isang hindi niya personal na kakilala ay nagkaroon ng 360 degrees na pagbabago sa kaniyang pananaw
  • Ani Kim, tila inaabangan na lang ng mga basher ang kaniyang pagkakamali

Muling dinagsa ng critics ang aktres na si Kim Chiu matapos ibahagi ng ilan ang “confusing” na parte ng panayam sa kaniya ng entertainment reporter na si MJ Felipe.

Imahe mula sa YouTube | Kim Chiu

Sa unang pagkakataon matapos ang kaniyang trending na “bawal lumabas” statement ay nagpa-interview muli si Kim ngunit sa pagkakataong iyon ay iba na raw ang perspektibo niya. Dahil daw ito sa tulong na rin ng netizen na si Adrian Crisanto na sumulat ng open letter para sa kaniya.

Naging emosyonal si Kim sa isang bahagi ng panayam kaya pautal-utal niyang sinabing “Sobra akong nabuhayan na, na, na, natayo ko ‘yung natayo. Para siyang umikot, not 360, 360 parang ‘Uy, dito tayo. Punta tayo dito.’ Yung ganoon, ‘yung ‘di ko naman…From a stranger, from a stranger ‘yung nangyari.”

Agad ginawan ng ilang netizen ng panibagong “meme” ito.

Hindi kagaya noong unang beses na nangyari sa kaniya ito, this time hindi na nagpaapekto si Kim sa bashers.

Imahe mula sa Instagram | Kim Chiu

“That feeling na… ‘Yung classmate mong hinihintay kang magkamali tapos pagtatawanan na naman nila, kahit nonsense na,” sabi ng aktres sa isang tweet.

“Classmate! Busy akong mag-ayos ng ‘Bawal Lumabas’ merch for fundraising. Gusto mo maging reseller na lang para may magawa ka and makatulong sa kapwa?”

Matapos ang matagumpay na launch ng full version ng kantang “Bawal Lumabas” ay naglabas naman siya ng merchandise. Ang kikitain dito ay mapupunta sa food pack donations at sa mass testing project ni Angel Locsin.

“[One at a time. Kanta tapos ngayon ‘Bawal Lumabas’ merchandise. Hindi para pagkakitaan ko. Kasi alam ko naman na marami sa ating mga kababayan ngayon na hindi pa talaga pwedeng lumabas,” aniya.

Source :

Twitter, YouTube

Loading…