10 anyos na bata, naglalako ng lumpia upang makatulong sa inang may karamdaman

Imahe mula sa Facebook | Taga Tarlac Ka Kung at GMA News
  • Abala ngayon sa paglalako ng lumpiang togue ang 10 anyos na si Benjamin upang makatulong sa kaniyang mga magulang
  • Parehong naapektuhan ng pandemya ang hanapbuhay ng kaniyang magulang — ang kaniyang ina ay kasambahay habang construction worker naman ang kaniyang ama
  • May iniinda ring karamdaman sa mata ang kaniyang ina kaya naman kailangang kumayod ni Benjamin

Dahil ilang buwan na ring nasa ilalim ng community quarantine ang bansa ay sinusulit ito ng ilang mga bata upang makipag-bonding at makipaglaro sa kanilang mga magulang. Ang iba naman ay ginagamit itong pagkakataon upang mag-aral o matutong magbasa at magsulat.

Imahe mula sa GMA News

Ngunit malayong malayo rito ang ginagawa ng 10 anyos na si Benjamin Corpuz mula sa Ramos, Tarlac, na nagtitinda ng lumpiang togue upang may maipantustos sa kanilang mga pangangailangan.

Ayon sa GMA News, Grade 4 na dapat si Benjamin ngunit kinailangan niya munang tulungan ang kaniyang ina na may sakit sa paningin. Grade 1 pa lamang ay kumakayod na ang bata nang sa gayon ay makaipon din ng pantustos sa kaniyang pag-aaral.

Bukod sa lumpia ay naglalako rin si Benjamin ng kwek-kwek, camote chips, at maruya, ayon sa Facebook page na Taga Tarlac Ka Kung.

Ang kaniyang ina na dating namamasukan bilang kasambahay ang nagluluto ng mga ito. Samantala, ang tatay naman ng bata ay isang construction worker na sa ngayon ay walang hanapbuhay.

Imahe mula sa Facebook | Taga Tarlac Ka Kung

Kumikita sila ng P100 kapag nauubos ang 200 pirasong lumpiang togue na kaniyang nilalako.

Marami ang humanga kay Benjamin, na pangarap maging sundalo balang araw.

“A great son. I pray that all sons will be like you who care for their parents and help them make a living. When everyone in the family helps one another, there will be peace and joy in the family. God bless you, little boy,” komento ni M. Sevandal.

“Kay sarap basahin ng kabaitan ng isang bata. Dalangin ko ang patuloy na bendisyon at pagpapala ng Diyos para sa iyo,” sabi ni E. Dela Cruz.

Loading…