2 pamilyang pinalayas raw sa inuupahan sa covered court nanuluyan; Landlady itinanggi ang paratang

Screenshot mula sa GMA video
  • Dalawang pamilya sa covered court sa Tondo naninirahan dahil pinalayas daw ng landlady dahil hindi nakabayad sa renta para sa mga buwan ng Abril at Mayo
  • Mariing itinanggi ng landlady na pinalayas niya ang mga tenants
  • Sinabi ng landlady na noong Oktubre ng nakaraang taon ay hindi na niya sinisingil sa upa ang mga tenants
  • Bayad sa tubig at kuryente lang daw ang sinisingil sa mga nangungupahan

Dalawang pamilyang pinalayas raw ng kanilang landlady sa inuupahan nilang bahay sa Maynila dahill ilang buwan nang hindi nakababayad sa renta ang isang linggo nang naninirahan sa isang covered court.

Screenshot mula sa GMA video

Ayon sa salaysay nina Vilma Alfonzo at Rosalyn Dela Cruz, pinaalis sila ng landlady sa inuupahang bahay sa Barangay 120, Zone 9 sa Tondo, Maynila noong June 15 dahil hindi sila nakapagbayad ng upa para sa mga buwan ng Abril at Mayo.

“Laging sinasabi ‘Kailan kayo aalis?’ ‘Nakahanap na ba kayo ng bahay?’ Sa palagay niyo po ba makakahanap kami ng ganitong panahon? Pandemic?” pahayag ni Vilma Alfonzo.

“Minsan wala po kaming kinakain dito. Umaasa lang po kami sa bigay bigay,” sabi naman ni Rosalyn Dela Cruz tungkol sa kanilang kalagayan sa covered court kung san naglalatag na lang sila ng mga karton para may mahigaan.

“Mayor, nananawagan po ako sa inyo. Kung maaari po sana, mayor, matulungan mo po kami dahil hirap na hirap na po kami,” panawagan kay Mayor Isko Moreno ng isa sa kapamilya ng mga pinalayas na kinilalang si Jun Lizardo.

Mariin namang itinanggi ng landlady, na kinilala lang sa pangalang Vanessa, na pinalayas niya ang mga tenants niya. Kusa raw umalis ang mga ito.

Screenshot mula sa GMA video

Aniya, noong buwan ng Oktubre ng nakaraang taon pa niya hindi sinisingil sa upa ang dalawang pamilya. Bayad lang sa kuryente at tubig ang kanya raw sinisingil.

“‘Di po ako salbahe kasi since no’ng October libre na sila ng tahanan hanggang no’ng June 15 tapos ngayon ang datingan parang inapi ko sila, kinawawa ko sila. Hindi po gano’n ang nangyari. Sila ang naglagay sa sitwasyon nila diyan. Sila ang nagpilit na do’n sila,” umiiyak na paliwanag ng landlady.

Screenshot mula sa GMA video

Sinabi  pa ni Vanessa na inalok niyang bumalik ang dalawang pamilya sa pinauupahang bahay nang malaman niyang sa covered court sila tumuloy, ngunit tumanggi raw ang mga ito.

Pinanindigan ng dalawang pamilya na mananatili sa covered court hangga’t wala silang pambayad sa renta.

Namagitan sa dalawang partido ang mga barangay officials ng lugar ngunit bigo silang maayos ang gusot.

Iclick ang imahe sa ibaba para sa video.

Screenshot mula sa GMA video

Loading…