2nd tranche ng SAP via digital disbursement, simula na sa susunod na linggo

Imahe via DSWD Facebook
  • Ipamamahagi na ang 2nd tranche ng SAP sa ilang probinsiya at lungsod sa bansa
  • Sisimulan na umano ito sa susunod na linggo, ayon sa DSWD
  • Lumagda rin ang DSWD at BSP sa isang MOA para sa mabilis na pamamahagi ng SAP

Nakatakdang simulan sa susunod na linggo ang pamamahagi ng 2nd tranche ng Social Amelioration Porgram o SAP sa pamamagitan ng digital disbursement, ito ang ibinahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong nakaraang Lunes ng gabi.

Ito ay matapos lagdaan ang isang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng DSWD at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa mas mabilis at epektibong pamamahagi ng ayuda sa mga beneficiary ng ayuda mula sa gobyerno.

Imahe via DSWD Facebook

“DSWD is now finalizing important details of the distribution process of the SAP second tranche with the participating FSPs (financial service providers). Distribution of digital payment is expected to start next week,” anang DSWD sa isang pahayag.

Nakasaad sa nabanggit na MOA ang pakikipagtulungan ng BSP para sa teknikal na bahagi ng programa lalo na ang pakikipag-usap sa mga gagamiting FSPs.

Ang electronic digital disbursement ng subsidiya ay gagawin sa pamamagitan ng bank account o e-money account na pinahihintulatan ng mga kasaling FSPs.

“DSWD welcomes this partnership with the Bangko Sentral ng Pilipinas. It has the expertise on digitization that is needed to ensure the smooth, efficient, and speedy distribution of the cash subsidy to the beneficiaries,” paliwanag pa ng ahensiya.

Imahe via DSWD Facebook

Batay sa rekord ng DSWD, nakapamahagi na ito ng aabot sa P6.746 bilyon sa 1,336,635 beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na pawang mga card holder na bahagi ng 2nd tranche ng SAP.

Kabilang sa mga lugar na sakop ng panibagong ipamumudmod na ayuda ay  Region III maliban sa Aurora province; National Capital Region o NCR; Calabarzon; mga probinsiya ng Benguet, Pangasinan, Iloilo, Cebu at Albay; at mga lungsod ng Bacolod, Davao at Zamboanga.

Loading…