ABS-CBN bakit ‘di lumapit kay Kris Aquino para ma-renew ang prangkisa noon?

Imahe screen capture mula sa YT video ng Inquirer
  • ABS-CBN ‘di lumapit noon kay Kris Aquino para humingi ng tulong
  • Hindi umano nila nabanggit ang nasabing isyu kay Kris Aquino
  • Handa rin daw silang igalang ang proseso ng batas

Bakit nga ba hindi lumapit noon kay Kris Aquino ang ABS-CBN para tulungang ma-renew ang kanilang prangkisa sa panahon ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III?

Ito ang isa sa mga tanong na ibinato sa higanteng media outlet ni ANAKALUSUGAN Partylist Rep. Mike Defensor sa ginanap na pagdinig nitong Lunes.

Nagtataka si Defensor kung bakit hindi nagpursige ang network noong 2014 habang nakaupo pa si PNoy, ang kapatid ni Kris Aquino na kilalang isa sa pinakamalaking talent ng ABS-CBN. Sana umano ay natulungan sila ng Queen of All Media, ayon sa mambabatas.

Rep. Mike Defensor| Screen capture from ANC YT video

“Kris Aquino po, ‘di nyo kinausap na tumulong para i-renew ang inyong prangkisa?” tanong ni Defensor kina Carlo Katigbak, ang presidente at CEO ng ABS-CBN, at Mark Lopez, ang chairman ng kompanya.

Ayon kina Katigbak at Lopez, hindi nila nabanggit kay Kris Aquino ang renewal ng prangkisa kaya kahit minsan ay hindi nila ito napag-usapan.

Sinubukan umano nilang mag-apply noong 2016 subalit isang beses lang nagkaroon ng pagdinig ang Kamara tungkol dito.

Iniisip umano nila noon na mayroon pa namang mahabang oras at hindi nila inaakalang aabot sa ganito ang kalagayan ng kanilang prangkisa.

Carlo Katigbak| Screen capture from ABS-CBN YT video

“We felt that we had time pa naman so we didn’t pursue it at that point when it was not moving anymore,” paliwanag ni Lopez.

Naging palaisipan din kay Defensor kung bakit ngayon lang naglabas ng kanilang saloobin ang mga talent at artista ng ABS-CBN samantalang naisalang na rin noon sa Kamara ang prangkisa ng network.

Subalit paliwanag ni Katigbak, ngayon lang nagsalita ang kanilang mga artista at empleyado dahil tinanggal na sila sa ere.

“I think more than any other reason, that’s the reason why people started speaking out,” wika nito.

Ganunpaman, ayon pa kay Katigbak, nasa kamay ng Kongreso kung bibigyan o tatangggalan ng prangkisa ang isang institusyon at bagama’t handa silang bigyan ng magandang rason ang mga mambabatas para ma-renew ang kanilang prangkisa, handa rin sila umanong igalang ang proseso ng batas.

Loading…