Abswelto: MMDA tinanggap ang paliwanag ni Kim Chiu tungkol sa viral dance video

  • Kim Chiu, kusang nakipag-ugnayan sa MMDA upang ipaliwanag ang viral dance video niya
  • Ipinaliwanag ng aktres na hindi sa EDSA kinunan ang dance video kundi sa parking lot na katabi ng naturang kalsada
  • Tinanggap ni MMDA General Manager Jojo Garcia ang paliwanag ng aktres

Tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paliwanag ng aktres na si Kim Chiu tungkol sa dance video niya na nag-viral sa social media. Inakala ng marami na ginawa ng aktres ang pagsayaw sa gitna ng EDSA.

Imahe mula sa Instagram account ni Kim Chiu

Matatandaang naglabas ng pahayag ang MMDA, sa pamamagitan ng tagapagsalita nito, na ipatatawag nila ang aktres upang kunin ang panig nito tungkol sa pagsasayaw bago gumawa ng nararapat na aksyon.

“We have so many problems that should be addressed and for the meantime, this is our reaction to the issue concerning actress Miss Kim Chiu. We will verify the truth about the report. We will check if the video of Miss Kim Chiu really happened on EDSA. We will invite her to explain her side then we will act accordingly,” naunang pahayag ng MMDA spokesperson na si Celine Pialago.

Ngunit bago pa man siya ipatawag ng ahensya, si Kim Chiu na mismo ang nagkusang makipag-ugnayan dito upang ipahayag ang kanyang panig hinggil sa isyu.

Ibinahagi ng Star Magic Philippines, ang talent center ng ABS-CBN, ang nangyaring pag-uusap sa pagitan ng aktres at ni MMDA General Manager Jojo Garcia. Ipinakita rin nito ang screenshot ng larawan ng aktres at MMDA official habang nag-uusap ang dalawa sa pamamagitan ng Zoom.

Imahe mula sa Star Magic

“This morning, Kim Chiu had a brief online meeting with MMDA General Manager Jojo Garcia following her viral dance video,” post ng Star Magic.

Ipinaliwang umano ni Kim Chiu kay Garcia na ang kontrobersyal na video ay hindi kinunan sa EDSA kundi sa isang parking lot na katabi ng naturang kalsada.

Tinanggap ni Garcia ang paliwanag ng aktres, at bagama’t walang nilabag na batas-trapiko sa ginawang pagsasayaw, pinaalalahanan pa rin ni Garcia si Kim Chiu na palaging sundin ang traffic rules and regulations.

Screenshot mula sa viral dance video ni Kim Chiu

Loading…