Amazing! 74 anyos na si Cher at nanay nito na 94 anyos na, kinabiliban dahil sa tila hindi tumatandang hitsura

  • Trending online ang larawan ng mag-inang Cher at Georgia Holt dahil sa kanilang looks
  • Para daw kasing hindi tumatanda ang mag-inang singer na nasa 74 at 94 na ang edad
  • Sabi ng netizens, mukha lang daw nasa 40s si Cher habang nasa 60s lang ang kanyang ina

Isa sa mga itinuturing na haligi ng music industry sa mundo ay ang singer na si Cher. Marami siyang napasikat na mga awitin kabilang na ang Believe, Strong Enough, at After All. Naging iconic din sa mga tagapakinig ang kanyang malaki ngunit masarap sa taingang tinig.

Pero ilang dekada matapos makilala bilang isang singer, ngayon naman, madalas na usap-usapan ang tila hindi tumatandang hitsura ni Cher. Nagbago naman ito ngunit kung titignan, ay mas bata siya sa kasalukuyang edad na 74 anyos.

Larawan mula sa Facebook page na High Brow Bar

Maraming haka-haka sa sekreto ni Cher para sa mas batang look. Pero ang sagot yata ay nasa lahi nila ang biyaya ng ‘endless beauty.’ Trending din kasi ang larawan ng 94 anyos na ina ni Cher na si Georgia Holt dahil kapansin-pansin na hindi ito mukhang nasa 90s na.

Sa Facebook page na High Brow Bar, makikita ang larawan ng mag-ina na magkasama. Pinapurihan sa post ang nakamamanghang hitsura ng dalawa na mas bata kaysa sa kanilang edad, kabilang na rin ang pigura ng kanilang katawan.

Agad na nag-trending ang larawan at maraming netizens din ang napa-sana all. Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon nang 15,000 reactions, 4,700 comments, at 53,000 shares ang nasabing larawan.  Nagpaabot din ng kanilang komento ang mga netizens.

Ayon sa kanila, lalo na ang mga nakasalamuha na sina Cher at Georgia sa personal, na maliban sa kanilang looks, ay kahanga-hanga rin umano ang pag-uugali nila. Magiliw daw sila sa fans kaya raw siguro nagre-reflect ito sa kanilang aura.

Larawan mula sa site na Cherworld

“Cher looks 40 and her mom looks 60. Unbelievable!” sabi ng isang netizen na nakatanggap naman ng reply kung saan sinasabi nilang gusto nilang malaman ang skin care routine ng mag-ina.

Singer din ang nanay ni Cher na si Gerogia at nananatiling aktibo sa pag-awit. Sa katunayan, noong 2013 ay nakapasok pa sa Billboard Hit Chart ang isang awitin ni Georgia.

Loading…