Amazing transformation: Netizen ibinahagi ang mga pinagdaanan para ma-achieve ang healthier figure

  • Itinuturing na birthday gift ni Genesis Noah para sa sarili ang pagsisikap para makamit ang kaniyang healthier figure
  • Mula sa timbang na 246 lbs, proud ang netizen na ipakita ang kaniyang “bagong look” matapos ang siyam na buwang diet na may kasamang exercise
  • Aminado si Genesis na hindi naging madali ang kaniyang journey, subalit posible umano ang lahat basta’t may “self love, patience, consistency at discipline”

Viral ngayon sa social media ang amazing transformation ng isang netizen matapos ang ilang buwan niyang pagsisikap para makamit ang healthier figure na inaasam para sa sarili.

Imahe mula kay Genesis Noah | Facebook

Sa ibinahaging post ng netizen na kinilalang si Genesis Noah sa Facebook noong June 1, ibinahagi niya ang kaniyang mga pinagdaaan para makuha ang inaasam na regalo para sa kaniyang ika-24 na kaarawan.

“Happy birthday, self! This is my gift to you, [a] healthier version of you!” ani Genesis sa post. “You had a great battle with obesity and the obese you is so damn proud of the new you!”

Matapos ang siyam na buwang diet na may kasamang exercise, nakamit ng netizen ang bagong look para sa sarili.

Kapansin-pansin sa mga larawan at video na kaniyang ibinahagi ang pagkakaiba ng ngayong mas slim at mas healthy na pangangatawan kumpara sa noon kung saan umabot ang kaniyang timbang sa 246 lbs.

Aminado si Genesis na hindi madali ang kaniyang mga pinagdaanan, pero posible umano ang lahat basta’t ang gagawa nito ay may pagmamahal sa sarili, pasensiya, consistency, at disiplina.

“And please stop saying tomorrow,” ayon pa kay Genesis.

“Not posting this to brag. [I am] posting this to motivate you and to inspire you not to be sexy, but to be healthy. Bonus na lang ‘yung paglabas ng collar bones mo, abs mo, at jawline mo,” sabi rin niya sa post.

Nais niyang magsilbing inspirasyon sa iba pang gustong magpapayat at sabihin na posibleng makamit ang nais nilang pangangatawan basta may sapat silang determinasyon na lagpasan ang mga pagsubok.

“Convince your mind that you are capable of anything! It will not happen overnight. Fast or slow, progress is a progress, keep moving,” dagdag rin niya sa post.

Source :

Facebook

Loading…