Anak naghinagpis nang iprito ng ama ang mamahaling pet fish na arowana

  • Laking paghihinagpis ng isang lalaki sa Indonesia nang iprito ng tatay niya ang alagang arowana
  • Dalawang taon niyang inalagaan ang arowana na nabili niya sa halagang IDR800,000
  • Sa tuwing maiisip ng lalaki ang ginawa ng ama sa arowana ay parang naduduwal daw siya

Ang arowana ay isa sa pinakapopular na ornamental fish na inaalagaan ng mga mahihilig mag-alaga ng isda sa aquarium. Pinagbabawal itong hulihin sa wild dahil itinuturing silang endangered species. Maaari ka lang magkaroon nito kung bibili ka sa lisensyadong breeder ng arowana.

Imahe mula sa Arowana Fish Farm

Isa rin ito sa pinakamamahaling uri ng pet fish, depende sa kulay ng kanilang kaliskis, kaya naman laking paghihinagpis ng isang lalaki mula sa Indonesia nang iprito ng kanyang ama ang alagang arowana.

Ayon sa Coconuts Jakarta, nabili ng lalaki na kinilalang si Bayu ang arowana dalawang taon na ang nakararaan sa Jatinegara Market sa East Java na popular na bilihan ng mga ornamental fish sa halagang 800,000 Indonesian Rupiah (IDR) o katumbas ng P2,840.

Aabot umano sa IDR2,000,000 (P7,095) ang presyo ng nasabing isda kung ibebenta ito ngayon kaya nagulat siya sa mga larawan na ipinadala sa kanya ng isa niyang kapatid habang piniprito ang isda.

“My arowana was fried by my father. I bought it in Jatinegara, aged around four years and it had accompanied me in Cikarang for two years. I brought it home to Sukoharjo but my father didn’t take care of it because he was lazy and ended up frying it,” sabi ni Bayu sa post niya sa Instagram.

Imahe mula sa Instagram account ni Solokini

“I bought the golden arowana fish for IDR800,000 at Jatinegara. It was already expensive then. My fish could have been sold for around IDR2 million,” sabi pa ni Bayu.

Inuwi raw ni Bayu sa bahay nila sa Sukoharjo ang arowana, subalit napabayaan ito ng ama. Butiki raw ang ipinakakain sa halip na crickets at alupihan. Dahil sa hindi magandang diet ay nagkaroon ito ng drop-eye syndrome o parang naduduling.

Imahe mula sa Instagram account ni Solokini

“During its time there, my fish wasn’t taken care of until it got cross-eyed. I had its eyes operated, alhamdulillah (thank God) it got healthy again. Then I got the news that my father fried the fish,” kuwento pa ni Bayu.

Tanggap na raw niya ang sinapit ng pinakamamahal na alaga, pero hindi raw niya lubos maisip kung paanong pinagpiyestahan ng tatay niya ang isda. Sa tuwing maiisip niya ang ginawa ng ama ay parang naduduwal daw siya.

Loading…