Andi Eigenmann inaming hindi naging madali ang pag-adjust sa buhay sa isla

Imahe mula sa YouTube | Happy Islanders
  • Hanga ang marami dahil sa pagyakap ni Andi Eigenmann sa buhay sa isla
  • Pag-amin niya, hindi naging madali para sa kaniya ang mag-adjust lalo na at wala ang kaniyang pamilya at mga kaibigan doon
  • Sa tulong ni Philmar Alipayo ay nakapag-adjust naman si Andi at ngayon ay gumagawa na ng vlogs tungkol sa kanilang buhay sa Siargao

Marami ang humahanga sa aktres na si Andi Eigenmann dahil sa buong pusong pagyakap niya sa buhay sa isla kahit pa nangangahulugan itong kailangan niyang iwan ang kaniyang komportableng pamumuhay sa lungsod. Ngunit aminado ang aktres na hindi ito naging madali sa simula.

Imahe mula sa YouTube | Happy Islanders

Sa isang episode ng Anong Ganap ng VIVA TV ay sinabi ni Andi na nakaranas siya ng culture shock sa unang mga araw niya sa Siargao, kung saan dalawang taon na siyang naninirahan kasama ang partner na si Philmar Alipayo at kanilang anak na si Lilo.

“I’ve been living here for almost two years now and at the beginning even if ayun nga ang pinangarap ko, hindi naging madali. I still had to adjust some ways, especially since I did not have a family here. I don’t have my mom or any of my siblings and best friends,” pagbabahagi niya.

Ngunit nakatulong sa kaniya ang partner niyang si Philmar. “‘Yong culture shock kahit papaano noong simula, si Philmar, natulungan niya akong makapag-adapt. Besides, I really enjoy their way of life here,” dagdag ni Andi.

Abala sina Andi at Philmar sa pagbabahagi ng vlogs na magpapakita ng kagandahan ng Siargao.

Imahe mula sa YouTube | Happy Islanders

“‘Yong first vlog namin noong pinost ko siya, for fun lang talaga. As in practice lang. It worked. Tapos siyempre nai-inspire kami kasi nakatutuwa naman na people want to see and you know, more about us through our vlogs so we made more,” sabi ni Andi.

Kamakailan lamang ay nag-trend ang video ni Philmar na nagsi-surf kasama ang anak nilang si Lilo.

“We want to share even more of our life and what we do. We also plan to showing more of the things that we love as well like Philmar’s surf videos, ‘yong spear fishing. We want to do videos on that. Hopefully, ‘pag nakakuha kami ng waterproof camera, magagawa namin ‘yon,” aniya.

Panoorin dito ang video:

Loading…