Ang mga employers ang dapat sumagot sa extra expenses ng kanilang workers na home-based – DOLE

Imahe mula sa Business News Philippines
  • Mga karagdagang gastos ng home-based workers sa pribadong sektor dapat sagutin o i-reimburse ng employer
  • Maraming natanggap na reklamo ang DOLE hinggil dito partikular na sa BPO industry
  • Nang makausap ng DOLE, sinabi umano ng industriya na handa nilang tugunan ang mga reklamo

Maraming mga negosyo ang nagsara simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa bansa, pero may mga industriya, tulad ng Business Process Outsourcing (BPO). ang patuloy ang operasyon dahil sa pagta-trabaho ng kanilang mga empleyado kahit nasa bahay.

Imahe mula sa Business News Philippines

Dapat umanong sagutin o i-reimburse ng mga employers ang karagdagang gastos ng kanilang mga  empleyado na home-based, ayon sa isang opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa panayam sa kanya ng “Unang Hirit,” pang-umagang TV program ng GMA Network, sinabi ni DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay na nakatanggap ng mga reklamo ang ahensya mula sa sektor ng BPO.

“May karapatan naman pong ma-reimburse ‘yung ganung expenses because under the Telecommuting Act din po, lahat ng provision na nasabi ko ay dapat iso-shoulder po ‘yan ng employer,” ani Asec. Tutay.

Sa BPO industry, kalimitan umanong sinasagot ng mga kumpanya ang gastos sa kuryente, internet connection at laptop ng kanilang empleyado na may work-at-home arrangement.

Nagpahayag naman daw ng willingness ang “e-industry” na tugunan ang mga reklamo nang makipagpulong ang ahensya rito.

Screenshot mula sa DZBB video

“They are saying na talagang during the ECQ, nagdagdag po sila ng cost for this at dineliver po nila ito sa mga tahanan ng ating mga manggagawa,” aniya.

Kung may mga kumpanya umano na tumutugon sa ganitong reklamo, ipagbigay-alam lang umano sa ahensya. Handa naman umano ang “e-industry” na matawag ang pansin ng mga kumpanyang may pagkukulang.

“May mga ganyan pong isolated case lang or very specific po. Please do let us know. Willing po ang industry to call the attention noong company na ‘yun,” anang DOLE official.

Batay sa Republic Act no. 11165 o Telecommuting Act, ang employer sa pribadong sektor ay maaaring boluntaryong mag-alok ng telecommuting program para sa kanilang mga empleyado sa ilalim ng mga kondisyones na kanilang napagkasunduan.

Imahe mula sa OneNews

Loading…