Angel Locsin nakisalo sa pagkain sa Quezon; puring-puri sa pagiging down-to-earth

  • Pagiging mapagpakumbaba ni Angel Locsin, pinuri ng netizens
  • Sabi ni Jovelyn Sangkap, napaka-down-to-earth ni Locsin katulad ng papel na ginampanan niya sa telebisyon noon na Darna
  • Tumulong din siya sa mga mamamayan ng Mauban, Quezon

Hindi talaga matatawaran ang kabutihang loob na ipinapamalas ni Kapamilya Primetime Queen Angel Locsin; maging ang pagiging mapagpakumbaba nito sa gitna ng kasikatang tinatamasa.

Image by Jovelyn Gagan Sangcap via Facebook

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Jovelyn Gagan Sangcap sa Facebook ang masayang pagluluto at pagkain ni Locsin sa isang payak na salo-salo sa coastal area ng Mauban, Quezon kung saan nagaganap ang taping para sa kanyang palabas na Iba Yan!.

“Napaka-down-to-earth mo, Darna. Sobrang nakakahiya na makipag usap sayo lalo na nung tinanong mo pangalan namin. Pati future husband mo ang bait lalo na rin po ‘yung mga staff mo. Sana next time mahug naman kita with picture. At sana mainterview nyo rin kami,” mababasa sa post.

Maliban dito, naranasan din ng aktres ang sumakay sa traysikel, magbisikleta at makipagkuwentuhan sa mga karaniwang mamamayan. Pinuri din ang mga pagtulong na ginawa niya sa mga tao sa lugar.

Tawag pa ng marami sa kanya, isa siyang real-life Darna, ang superhero character na ginampanan niya sa telebisyon kung saan mas lalong nakilala ang kanyang pangalan.

Image by Angel Locsin via Instagram

Mapapanood sa Kapamilya Channel ang docu-format series na Iba Yan! kung saan tampok ang buhay at pagtulong sa mga masa habang pinangangambahan ang COVID-19.

Layunin ng programa na maitampok ang mga ordinaryong tao na nagpapakita ng pakikisama, pakikipagkapwa at bayanihan.

Sabi ng sikat na aktres, “We’ll try our very best na makatulong din kami sa inyo kung papaano kami tumutulong, kung ano ang mga kailangan ninyo para makatulong pa kayo, so susubukan namin sa aming munting paraan para gumaan-gaan kung anuman ‘yung mga iniisip ng mga taong ‘yun.”

Huling bumida sa telebisyon si Locsin sa The General’s Daughter noong 2019 na muling ipinapalabas sa Kapamilya Channel.

Image by Angel Locsin via Instagram

Loading…