Angkas ipinanukala ang paggamit ng plastic shields

Image by Angkas via Facebook/Christian Maño via Facebook
  • Panukala ng Angkas: Maglagay ng plastic shield sa pagitan ng rider at pasahero
  • Kailangan na ring magdala ng sariling helmet at face mask ang pasahero
  • Pinag-aaralan ng pamahalaan ang pagpapanumbalik sa operasyon ng mga motorycle taxis

Naghain ng panukala ang motorcycle taxi service provider na Angkas na payagan na silang maglagay ng plastic shield sa pagitan ng rider at pasahero bilang safety protocols sakaling manumbalik na ang kanilang taxi operations.

Image by Angkas

Wika ni Angkas chief transport advocate George Royeca, gagawin nila ito upang mapigilan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng paglilimita sa physical contact ng pasahero at drayber.

Sa ilalim nito, kailangang magdala ng sariling helmet at face masks ang mga pasahero.

Makatutulong din ito, ani Royeca, sa contact tracing sa mga magpopositibo sa COVID-19. Mayroon daw nasa 400-million base users ang Angkas na makatutulong sa contact tracing database ng pamahalaan.

Naisumite na nila ang panukala at positibo ang kompanya na papayagan ito ng gobyerno.

Sabi ng Angkas official, “We sent the proposal a few days ago. Our proposal is to create a study to make sure we arrive at the necessary protocols. What Angkas is trying to do is to cooperate with the government and see if we can find ways to create a series of measures on how to make it safer.”

Matatandaang natigil ang operasyon ng mga motorcycle taxi noong Marso makaraang magpatupad ng quarantine measures ang pamahalaan bilang pag-iingat sa COVID-19 pandemic.

Pero kamakailan ay nasabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinag-aaralan na ng pamahalaan sa pagpayag ng operasyon ng mga ito.

Pahayag ni University of the Philippines dean of College of Public Health Jun Belizario, makatutulong ang added barrier sa COVID-19 challenge at pinuri ang hakbangin ng kompanya.

“The added layer of protection would help. The measures should minimize the fears and anxiety that you will get COVID-19 and other communicable diseases. We cannot wait for a vaccine to allow motorcycle taxis.”

Karagdagan, mayroon ding kaparehong panukala ang rider app na JoyRide.

Image by Jacque Manabat via Twitter

Loading…