Aral mula sa mga bata na tumanggi sa sobrang biyaya: ‘‘Pag sobra na, stop na’

  • Nagsilbing-aral ang kuwento ng isang netizen tungkol sa mga batang paslit na kaniyang nakasalamuha
  • Ayon kay Duanne Astrera, nais niyang suklian ang pagtapon ng mga bata sa kanilang basura kaya naman binigyan niya ang mga ito ng libreng pagkain mula sa kaniyang paninda
  • Nang alukin muli ng iba pang pagkain, tumanggi na ang tumatayong “ate” sa kanila at sinabing “Tama na, sobra na tayo”

Ibinida ng isang netizen ang aral na dapat matutunan ng karamihan mula sa mga batang paslit na kaniyang nakasalamuha.

Image mula kay Duanne Astrera | Facebook

Sa Facebook post ng netizen na kinilalang si Duanne Astrera noong June 12, ikinuwento nito ang pandalian ngunit makabuluhang sinabi ng mga batang kaniyang nakasalamuha.

“Few days ago, itong dalawang bata asked if pwede nila itapon ‘yung basura sa tindahan namin,” kuwento ni Duanne.

Pagpapatuloy niya: “Pagbalik nila sabi ko pili na lang sila sa tinda ko kung siomai, siopao or snowball. Sabi nila, snowball na lang daw.”

Pagkaabot umano ni Duanne ng pagkain ay inalok muli niya ang mga bata sa pag-iisip na baka may gusto pa sila.
Aniya, tinuro ng batang lalaki ang siomai kaya naman tinanong niya kung ilan ang gusto nito.

Di naman akalain ng netizen na magkukusa ang batang babae na pahintuin ang kasama. Ikanagulat nito ang pagsabi ng nakatatandang babae sa batang lalaki na dapat na silang tumigil sa paghingi dahil sobra na ang kanilang natanggap.

“Pag-abot ko sinabi kung ano pang gusto nila tapos ‘yung mas bata, tinuro ‘yung siomai. Sabi ko, ‘Ilan?’ Tapos sabi ng Ate niya, ‘Tama na, sobra na tayo.’”

Ayon sa netizen, nagpasalamat pa ang mga bata sa kaniya bago tuluyang umalis.

Image mula kay Duanne Astrera | Facebook

Sa post, iginiit niya ang aral na natutunan sa mga batang kaniyang nakasalamuha: “‘Pag sobra na, stop na,” sabi ni Duanne.

Marami naman ang natuwa sa ibinahaging kunweto ng netizen, lalo na magandang-asal na ipinamalas ng mga bata na kaniyang nakausap.

Agad na nag-viral ang post at umani ito ng mga positibong reaksiyon mula sa netizens.

Source :

Facebook

Loading…