‘Arf-tibista’ hindi ‘te-rawr-rista’: Aso nakisali sa Independence Day ‘Mañanita’

  • Viral sa social media ang isang aso na nakisali sa Independence Day demonstration sa UP Diliman
  • Kuha ito ng netizen na kinilalang si Jhon Arlou Esteban
  • Kinaaliwan ng netizens ang larawan ng aso habang suot ang mensahe na nagnanais ipabasura ang anti-terr0rism bill

Viral sa social media ang isang aso na nakisali sa Independence Day demonstration sa UP Diliman noong June 12.

Imahe mula kay Jhon Arlou Esteban | Facebook

Sa kuha ng netizen na kinilalang si Jhon Arlou Esteban, makikita ang isang aso na may suot na mensahe tungkol sa pagnanais na ipabasura ang anti-terrorism bill.

Marami naman ang naaliw sa mababasang mensahe ng aso na may nakasaad na: “Arftibista hindi ter0rista!”

Ginanap ang “Grand Mañanita 2020” sa naturang unibersidad noong Araw ng Kalayaan upang sama-samang ihayag ng mga nagpo-protesta ang kanilang pagkontra sa anti-terrorism bill.

Daan-daan ang dumalo rito kahit pa sunod-sunod ang pag-ulan noong araw ding iyon at habang patuloy na nagbabanta ang C0VID-19 sa kalusugan ng publiko.

Siniguro naman ng organizers na may suot na face mask at may social distancing sa mga dumalo bilang pagsunod sa patakaran ng mga awtoridad.

Kabilang sa mga dumalo rito ang kilalang si Aling Marie na siyang nag-viral kamakailan online matapos ipahayag ang kaniyang saloobin laban sa mga blind supporters ng mga politiko.

Nabigyan din si Aling Marie ng pagkakataon na magsalita sa stage at sabihin ang kaniyang mensahe sa mga kabataan.

“Di ko man kayo anak, kayo ay aking kakulay. Manahin ninyo ang tapang ng mga nakatatanda laban sa kasamaan. Kaya ang aking masasabi, ibagsak ang terror bill; ibasura at huwag hayaang maipasa,” aniya.

Image via Facebook | Me Paner

Agaw-pansin din sa event ang artist at activist na si Mae Paner dahil sa panggagaya nito sa porma at itsura ni Metro Manila p0lice chief Major General Debold Sinas.

Tinawag na “Grand Mañanita” ang event matapos itong ihango sa naganap na birthday get-together ng naturang p0lice chief sa Camp Bagong Diwa noong May 8, kasabay ng umiiral na enhanced community quarantine sa Metro Manila.

Loading…