Attention! Paskil sa poste na tila naghahanap ng nawawalang tao, kinatuwaan

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang isang paskil o babala sa poste
  • Literal kasi na naghahanap lamang ng atensyon ang babae: hindi siya nawawala o wanted
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Noong mga panahong hindi pa uso ang paggamit ng social media, isa sa mga mabisa at mabilis na paraan upang mahanap ang isang nawawalang tao o mahalagang gamit ay ang pagpapaskil ng babala o patalastas sa mga poste, pader, at iba pang establisyimiento. Ipinapaskil ito sa iba’t ibang lugar upang mapabilis ang paghahanap sa mga “wanted” o “missing.”

Kaya naman, kinatuwaan ng mga netizens ang larawang ibinahagi sa Facebook page na “Leidz.” Paskil ito na nagpapakita ng isang babaeng nakangiti, at nakalagay sa itaas nito na ATTENTION!!! na tila pinaghahanap ang babaeng ito, na maaaring nawawala.

Imahe mula sa Facebook page na Leidz

Subalit sa ibaba nito, hindi naman pala nawawala ang babae: literal na naghahanap lamang ng pansin. Nakalagay ang caption na “Thank you for attention.” Oo nga naman, hindi ba? Sino bang may sabing mga nawawala at pinaghahanap lamang ang maaaring magkabit ng paskil?

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Hay naku Ate ah… sinayang mo lang ang dalawang segundo ng buhay ko. Kakaloka! Mabuti na lang at pretty ka, medyo nakakawala ng inis. Last mo na iyan!” sabi ng isa.

Wika naman ng isa, “Hanep naman Miss hehehe. Hindi man lang naglagay ng iba pang mga details gaya ng contact number niya kung talagang naghahanap siya ng atensyon hahaha.”

“Iba rin ang tama ni Ate Girl eh. Papansin talaga siya hahahaha…” turan naman ng isa.

Sa pagpapaskil ng mga babala at patalastas, kinakailangang maging maingat sa paglalagay ng mahahalagang detalye kagaya ng contact numbers at e-mail address, lalo na sa panahon ngayon na marami na ang manggagantso.

Public Domain Image
Source :

Facebook

Loading…