Atty. Topacio may hamon kay Sharon: “Sue me, bring it on!”

Imahe via Twitter account ni Atty. Topacio
  • Topacio binanatan sina Kiko at Frankie Pangilinan
  • Ito ay matapos ibahagi ni Frankie sa Twitter ang kaniyang ‘notes’ sa Corona impeachment
  • Hinamon din ni Topacio ang Megastar na sampahan siya nito ng kaso

Matapang na hinamon ni Atty. Ferdinand Topacio si Sharon Cuneta na ihabla rin siya nito sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutang ng anak ng aktres na si Frankie Pangilinan.

Nag-ugat ang hamon ni Topacio kay Sharon matapos ang banat ng abogado kay Frankie at sa amang si Senador Kiko Pangilinan.

Imahe screenshot via Twitter

Ito ay makaraang ibahagi ni Frankie sa Twitter ang kaniyang ‘notes’ tungkol sa impeachment trial noon ni dating Chief Justice Renato Corona.

Tila hindi nagustuhan ni Topacio ang ‘notes’ ni Frankie, na noon ay 12-anyos pa lamang. Kabilang sa mga nakasulat dito ay “I personally think he’s (Corona) guilty” at “Well, I’ll tell him ‘I can’t see that innocence in your face’”.

Imahe via Twitter

Ayon sa mensahe ni Topacio, tinawag nitong ‘lousy lawyer’ ang ama ni Frankie na si Kiko na hindi man lang umano manalo kahit kapitan ng barangay noong hindi pa nakikilala si Sharon Cuneta. Ikinumpara din ni Topacio si Kiko kay Gabby Concepcion na siya raw talagang ‘greatest love ng Megastar’.

Hindi rin pinalampas ni Topacio ang diumano’y ‘pambabastos’ ni Frankie sa alala ni Corona.

“Ate Shawie since the SOJ (Secretary of Justice) is your friend, SUE ME, BRING IT ON!” hamon pa ni Topacio.

“Hi, Kakie and Ate Shawie, please read. Btw, it shouldn’t take long for the NBI to find me,” dagdag pa ng kontrobersiyal na abogado.

Imahe via Twitter

Sa kasalukuyan, hindi pa naglalabas ng pahayag ang pamilya Pangilinan tungkol sa hamon ni Topacio.

Kamakailan lamang ay isang netizen ang nag-post ng isang banta laban kay Frankie na ikinagalit ni Sharon. Nagbanta ang aktres na hahanapin niya ang nasabing netizen at papanagutin niya ito.

Loading…