Ayos sa sarap! Lulutuing paksiw na isda na nakaayos ang rekado sa kawali, umaliw at nagpatakam sa mga netizens

  • Trending sa social media ang larawan ng isang papaksiwing isda na nakaayos ang mga rekado
  • Ayos na ayos ito at nakahilera na nagpatakam at nagbigay aliw sa mga social media users
  • Dahil dito, maraming netizens ang naisipang magluto ng paksiw dahil paborito nila ang mga ito

Hindi mo raw tunay na mae-enjoy ang kulinaryang Pilipino kung hindi mo matitikman ang lutuing paksiw. Sa iba’t ibang panig ng bansa ay mayroong iba’t ibang paraan ng pagluluto nito, kasama na ang iba’t ibang uri ng isda na maaaring paksiwin.

Ang trending na lutuin para sa mga simpleng panlasa ng Pinoy ay lalo pang naging trending ngayon dahil sa isang nakatatakam at nakaaaliw na Facebook post. Sa in-upload na larawan ng page na Tagalog Love Kowts, makikita ang kakaibang paraan ng paghahanda ng paksiw.

Larawan mula sa Facebook post ng Tagalog Love Kowts

Sa kawali, kitang-kita ang nakaayos na rekado sa pagluluto ng paksiw. Maayos na nakasalansan ang mga isda, ang luya na pampalasa sa paksiw, at ang hiniwang sibuyas na nakabudbod man sa itaas ng isda ay maayos pa rin kung tutuusin.

Ayon sa caption, ito raw ang tugon ng isang anak na binilinan ng ina niyang magluto ng paksiw. Ayusin daw nito ang pagluluto na sinunod naman ng anak. Literal nga lang dahil talagang inayos nito ang mga sangkap sa kawali.

Dahil dito, maraming netizens ang natuwa, natawa, at natakam sa larawan ng paksiw. Agad itong umani ng 3,000 reactions, 600 comments, at 6,300 shares mula sa mga netizens ilang araw matapos i-upload sa social media.

Nagpahayag ang ilan na may paborito sa paksiw na gusto na raw nila ang lasa ng lutuin ngunit mas natakam pa raw sila sa lutuin dahil sa pagkakaayos ng mga sangkap. Talaga raw palang nakadadala sa appetite ng kakain ang pag-ayos o plating ng pagkain.

Larawan mula sa YouTube

Ang iba naman, nakakuha ng ideya ng ulam na lulutuin para sa kanilang hapunan. Tamang-tama raw at wala na silang maisip na iluto. Buti na lamang at dumaan sa newsfeed nila ang larawan ng paksiw. Siyempre, gagayahin na rin nila ang arrangement ng mga rekado sa trending na larawan.

Sabi naman ng ilang netizens, kahit daw ganito kaayos ang luto sa paksiw o labo-labo na sa loob ng lutuan, basta raw masarap ang pagkakaluto ay talo-talo na. Solb na raw ito basta may mainit na kanin at sawsawang angkop sa panlasa ng kakain.

Loading…