Backriding sa motorsiklo malapit nang payagan; guidelines ikinakasa na ng NTF

Imahe mula sa Panay News
  • Backriding sa motorsiklo malapit nang payagan
  • Ginagawa na ng National Task Force on COVID-19 ang mga guidelines para rito
  • Isang technical working group ang gumagawa ng pinakaligtas at epektibong paraan para maiwasan ang COVID-19 transmission sa pagitan ng driver at angkas sa motorsiklo

“Antay-antay lang po muna at baka pwede nang mapayagan ang backriding,” pahayag ni Harry Roque ang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Imahe mula sa Panay News

Sa isinagawang Laging Handa virtual press conference, sinabi ni Roque na “in principle” ay pinapayagan na ang backriding o angkas sa motorsiklo, na matagal nang hinihiling ng mga mamamayan dahil sa kakulangan ng masasakyang public transportation sa Metro Manila na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Ngunit inihahanda pa raw ng National Task Force (NTF) on COVID-19 ang guidelines hinggil dito.

“Malapit na po ang back-riding pero kinakailangan ang NTF po ang mag-issue ng mga guidelines. Pinapayagan na in-principle ang back-riding upon the approval of the requirements na ise-set ng technical working group,” pahayag ni Roque nitong Sabado, June 20.

Ang technical working group ay kinabibilangan ng Department of Transportation, Department of Science and Technology, Department of Health, Metropolitan Manila Development Authority, Department of Trade and Industry at Bureau of Philippine Standards.

Imahe mula sa PCOO

Inatasan ang grupo na magpulong upang gumawa ng pinakaligtas at pinakaepektibong paraan kung paano maiiwasan ang COVID-19 transmission sa pagitan ng driver at angkas sa motorsiklo.

Sa ngayon ay ipinagbabawal pa rin ang angkas sa motorsiklo kahit na mag-asawa sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ kabilang ang Metro Manila.

Samantala, ipinakita sa publiko ng motorcycle taxi service provider na Angkas ang iminumungkahi nitong plastic shield na nakakabit sa likod ng driver upang maiwasang magkahawahan ng mikrobyo ang driver at pasahero.

Imahe mula sa Angkas

 

Source :

ABS-CBN, Sugbo

Loading…