Bagong bihis na Lagusnilad underpass, ipinasilip ni Yorme

Mga imahe mula sa Facebook post ni Mayor Isko
  • Muling ipinasilip ni Yorme ang ginagawang pagpapaganda ng Lagusnilad underpass
  • Malapit na umanong magbukas ito sa publiko, anang alkalde
  • Maraming magandang pagbabago sa bagong bihis na underpass

MAYNILA, Pilipinas – Malapit nang matunghayan ng mga Manilenyo ang bagong bihis na Lagusnilad underpass, ito ang tiniyak ni Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.

Imahe mula sa Fcaebook post ni Mayor Isko

Sa kaniyang Facebook post nitong nakaraang Biyernes, ika-19 ng Hunyo, ibinahagi ng alkalde ang ilang larawan ng tila makabagong disenyo ng underpass na kasalukuyang inaayos at pinapaganda.

“May krisis man o wala, tuloy ang gobyerno. Soon, we will unveil the new Lagusnilad Underpass,” ani Yorme sa kaniyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook post ni Mayor Isko

Magugunitang sinimulang ayusin ng administrasyon ni Mayor Isko ang naturang lagusan na malapit sa Manila City Hall. Pinalayas ang mga illegal vendor dito at sinimulang pinturahang muli noong nakaraang taon.

Militanteng grupo, nag-vandal sa mga bagong linis at pintang underpass sa Maynila; grupo sinabing “art protest” nila iyon

Subalit sinira ito ng isang grupo ng kabataan matapos sulatan ng vandalism ang noon sana’y malinis nang mga dingding. Ikinagalit ng alkalde ang nasabing pangyayari at nagbanta itong ‘ipadidila’ niya sa mga may-gawa ang bandalismo kapag nahuli niya ang mga ito.

Imahe mula sa Facebook post ni Mayor Isko

Pansamantalang natigil ang rehabilitasyon ng underpass dahil sa implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Kamaynilaan. Muling sinimulan ang trabaho sa lugar ilang araw pa lamang ang nakarararaan.

Mapapansin sa pinagandang Lagusnilad underpass ang mga bagong stone cladding sa dingding, bagong tiles sa hagdanan at mga bago at modernong disenyo ng ilaw.

Imahe mula sa Facebook post ni Mayor Isko

“Mayroon na po itong vertical gardens, kaakibat po ng ating adhikain tungo sa malinis, panatag at maaliwalas na Maynila,” ayon kay Mayor Isko.

Dagdag pa ng alkalde, ang pagbabagong bihis ng Lagusnilad ay bunga ng DEPW ng lungsod, sa pangunguna ni Engr. Armand Andres.

Imahe mula sa Facebook post ni Mayor Isko

Loading…