Balik-tanaw: Ang nakaaantig na mensahe ni Caridad Sanchez para sa apong si ‘Rovic’

  • Itinuturing ni John Lloyd Cruz bilang nanay at lola sa industriya ang beteranang aktres na si Caridad Sanchez
  • Nagkasama sila sa defunct show na Tabing Ilog kung saan gumanap sila bilang mag-lola
  • Kaya naman nang lumiham si Caridad para kay Lloydie, hindi naiwasan ng aktor na maging emosyonal

Bago pa man umingay ang pangalan ni John Lloyd Cruz bilang isang mahusay na aktor, minsan muna niya tayong pinabilib sa kanyang role bilang Rovic sa youth-oriented show na Tabing Ilog na ipinalabas sa ABS-CBN.

Sa nasabing show ay nakasama niya ang ilang up and coming stars din ng Kapamilya network at ang ilang beteranong artista katulad ni Caridad Sanchez na gumanap na lola ni Lloydie sa show. At dalawang dekada ang dumaan matapos ang Tabing Ilog, nagpadala ng mensahe ang nag-iisang si Caridad kay John Lloyd na umantig sa damdamin ng aktor.

Ang throwback na ito ay ibinahagi sa John Lloyd Cruz official page kamakailan pagkat nalalapit na ang kaarawan ng aktor (June 24).

Larawan mula sa Jeepney TV

Sa nasabing episode ng Magandang Buhay noong 2017 ay sumulat si Caridad kay John Lloyd. Nang makita pa lamang ni John Lloyd na mula kay Caridad ang mensahe, mababakas na sa mukha nito ang pagiging emosyonal. Nang umpisahang basahin ni Lloydie ang liham, nakakailang linya pa lamang siya ay hindi na niya napigilan ang damdamin.

“Hello John Lloyd, my apo… Simula nang magkatrabaho tayo sa Tabing Ilog ang lagi kong naaalala sa iyo ay ang pagiging mabuting anak mo at mahusay na katrabaho.  How I wish na kasama mo ako diyan pero matanda na ang lola mo…” saad ng liham na binasa ni John Lloyd kasunod ang pagluha na ng aktor.

“Pero gusto kong malaman mo na I keep on watching you until now. I’m so proud of you noon pa man. Alam kong magiging great actor ka at hindi ako nagkamali. Twenty years in this industry is no joke. Sobrang masaya ako na umabot ka ng 20 years at naging bahagi ako ng iyong career nong nagsisimula ka pa lang.”

Larawan mula sa ABS-CBN

“Thank you for the l0ve and you have may respect. You will always be my John Lloyd, my Rovic! I l0ve you,” pagtatapos ng liham na sinagot naman ni Lloydie ng isang matamis na ‘I l0ve you’ para kay Caridad.

Dito inilahad ni Lloydie na matagal na niyang gustong makita si Caridad ngunit hindi natutuloy kaya naman sobra siyang naging emosyonal nang makatanggap ng liham mula sa beteranang aktres.

Panoorin ang video clip ng pagbabasa ni Lloydie ng liham ni Caridad:

Samantala, may video ring tugon si Lola Caridad kasunod ng mensahe ni ‘Rovic’ na ibinahagi noon ng kanyang anak na si Cathy Sanchez Babao; isang patunay sa lalim ng kanilang samahan na nag-ugat pa sa Tabing-ilog days.

Sa post ni Cathy, “Tomorrow, August 1 is Mommy’s birthday. We spent time together this evening, and after dinner talked about one of her favorite subjects. Narito, ang payo ni lola kay Rovic.”

“John Lloyd, ‘til you find the right woman, you get married to that woman.  Then I want to meet that woman first before getting married to that woman. You make that a promise dahil (kung) hindi, nako, (kakaluwain) kita. Okay? I’m not joking. Because you are like more than my apo.”

Source :

YouTube, Facebook

Loading…