Barista ipinagtanggol ang kaniyang trabaho laban sa mga taong humuhusga sa kaniya

  • Ipinagtanggol ng isang barista ang kaniyang trabaho
  • Psychology graduate siya subalit mas masaya siya sa kaniyang trabaho ngayon
  • Marami kasi ang nagtatanong sa kaniya kung bakit iyon ang pinili niyang maging trabaho gayong siya ay titulado

Sa Pilipinas, sanay tayo sa kaisipan na ang trabaho o propesyon ng isang tao ay may kinalaman sa kaniyang tinapos na kurso o degree sa kolehiyo. Para sa ilan, sayang lamang ang apat o higit pang mga taong iginugol sa kolehiyo o pamantasan para lamang mapag–aralan ang mga kasanayang dapat matutuhan sa inaasam na propesyon sa hinaharap kung hindi ito magagamit.

Subalit may ilang tinatawag na “mismatched” o underemployed, o iyong mga taong hindi nakalinya sa kanilang pinagtapusang kurso sa kolehiyo ang kasalukuyang trabaho o hanapbuhay para sa pamilya. Kagaya na lamang ng ibinahagi sa Facebook post ni “Patricia” na isang barista sa isang sikat na coffee shop hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba pang mga bansa.

Imahe mula sa Facebook account ni Patricia Nicole

Sa kaniyang post, ipinagtanggol ni Patricia ang kaniyang sarili at iba pang mga taong nakatapos ng kurso sa kolehiyo subalit iba naman ang linya ng pinasukang trabaho.

“Psychology graduate ka pero sa Starbucks ka nagtatrabaho… sayang pinag–aralan mo dapat HR ka,” pambungad ng kaniyang mahabang post.

Isinalaysay niya ang kaniyang karanasan sa dalawang trabahong napasukan na niya matapos maka-graduate ng BS Psychology. Tatlong beses na siyang nagkaroon ng magkakaibang trabaho: dalawang beses bilang Human Resources assistant at isang beses bilang call center agent. Hindi raw siya nakaramdam ng saya sa lahat ng iyon.

“Naaalala ko yung mga struggles ko noon sa dating trabaho ko, na parang hinihila ko na lang sarili ko para pumasok, walang joy sa puso ko ganern,” aniya.

Sa totoo lamang daw ay nakapapagod ang maging barista subalit hindi niya maipaliwanag kung bakit maligaya siya sa kaniyang mga karanasan dito kung ihahambing sa tatlong trabahong nabanggit na niya.

Public Domain Image

“Sa totoo lang, nakakapagod ‘tong trabahong meron ako ngayon kaysa sa mga trabahong meron ako dati. Halos 8 1/2 hours kang nakatayo, maraming nakakaharap na tao, minsan mabait, minsan may attitude. Mahirap talaga kasi kailangan mong laging magpasensya. Pero sobrang thankful ako, kasi nag-grow ako. Sobrang nag-grow ako,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, “Sabi nga, if you have a dream, you have to do everything to protect it, kaya nire-reject ko na lang ‘yung mga ganoong sinasabi ng ibang tao. Basta ako, I’m all after what makes my heart happy!”

Marami naman sa mga netizens ang nakaugnay sa ibinahagi ni Patricia.

“Psych grad here. May full time job ako bilang HR analyst. Pero at the end of the day, gusto ko pa rin magbarista. Hahaha. I feel you!” sabi ng isa.

Wika ng isa, “Do what you loved; that’s the only thing that matters. Salute!”

“Walang sayang na pinag-aralan basta’t marangal ang hanapbuhay. Sa case ko, happiness is not an option sa line of work namin kasi kailangan daw talaga maging practical in order to provide yung everyday needs, so na-set aside yung hinihiling talaga ng puso ko, maybe not now but someday. Suwerte ka po ate keep up the good work,” turan naman ng isa.

Tandaan natin, nasa desisyon pa rin natin ang magiging dahilan ng ating kasiyahan.

Source :

Facebook

Loading…