Basahan na, pagkain pa? Basahan na mukhang pancakes, kinaaliwan sa socmed

  • Agaw-pansin ang larawan ng mga ibinibentang basahan ng isang netizen na si Precy Divino Belarmino sa Facebook
  • Sa unang tingin kasi ay aakalain itong pagkain dahil sa porma at dilaw nitong kulay tulad ng mayroon sa pancake
  • Agad namang nag-viral ang larawan at umani ng kakatuwang reaksiyon mula sa netizens

Nakakita ka na ba ng basahan na mukhang pagkain o ‘yung parang pancake?

Imahe mula kay Precy Divino Belarmino | Facebook

Kinaaliwan sa social media ang larawan ng produktong ibinebenta ng isang netizen dahil sa itsura nitong tila ba pagkaing patok sa panlasa ng masa.

Sa post ng netizen na kinilalang si Precy Divino Belarmino sa Facebook noong June 2, makikita ang litrato ng mga bagong gawang basahan.

“Bili na po kayo ng basahan, mga friend. P30 pesos [para sa] 24 pieces,” alok ni Precy.

Dagdag niyang paalala sa post, “hindi po iyan pancakes.”

Ibinahagi nito online ang bulto ng mga ipinagbibiling basahan kasabay ng paglilinaw niya na hindi iyon pagkain, partikular na ang “pancake” na kadalasang nabibili sa mga tabing kalsada.

Sa unang tingin kasi ay aakalaing pagkain ang mga produkto dahil sa porma at dilaw nitong kulay gaya ng mga pancake.

Dahil sa aliw na hatid nito sa netizens, agad na nag-viral ang post at umani ng kakatuwang reaksiyon sa social media.
“Akala ko pancake. Hahaha!” pag-amin ni RJJ.

“Sarap naman. Hahaha!” natatawang sabi ni MLON.

“Hala! Haha! Kabibili ko lang kanina ng ganiyan sa Cainta. Ang cute kasi parang pancakes. Haha!” pagbabahagi naman ni VABS sa comments.

Imahe mula kay Precy Divino Belarmino | Facebook

“Sabi ko na, e. Gutom lang ito,” ayon kay AA matapos makita ang mga litrato.

“O ayan, mahilig ka sa pancake, ‘di ba? Pakyawin mo na. Hahahahaha” sabi pa CS matapos i-tag ang kaibigan sa comment section ng orihinal na post.

Sa kasalukuyan ay umani na ang post nang higit 27,000 reactions, habang mayroon na rin itong lagpas 67,000 shares sa Facebook.

Source :

Facebook

Loading…