Basic phones upgraded: Naaalala mo pa ba ang pangmalakasan mong case para sa old Nokia phone mo?

  • Bago sumikat ang smartphone, minsan munang kinatuwaan ang mga basic phone
  • Isa sa mga customization na ginagawa noon sa mga ito ay ang pagpapalit ng casing
  • Iba-iba ang disenyo ng casing mula sa mga cartoon characters, hayop, at maging iba’t ibang kulay

Laganap na ngayon ang mga smartphones. Sa katunayan, kanya-kanyang paandar ng specs ang mga phone companies sa inilalabas nilang budget at high-end smartphones para mahikayat ang mga customer na bumili ng kanilang produkto.

Ngunit bago ang kasikatan ng mga smartphone na ito, naging sapat muna ang pakinabang ng mga basic phone, lalo na ang mga sikat na bar phones mula sa Nokia. Dahil hindi masyadong naku-customize ang loob ng basic phones, maraming Pinoy ang kumapit sa pagpapaganda ng casing ng kanilang cellphone.

Larawan mula sa FB group na We Are 2k

Sa post ni Charmaine Peñaverde sa group na We Are 2k, itinanong niya sa mga kasama sa group kung mahilig daw ba silang magpalit ng case para sa kanilang basic phone noon. Marami kasing iba’t ibang case para sa mga Nokia phone na nauso noon.

Sa mga larawang in-upload ni Charmaine, kita ang iba’t ibang disenyo tulad ng Mickey Mouse, Harry Potter, Finding Nemo, at mga hayop tulad ng isda at aso. Kung gusto mag-customize pero minimalist ang style, pwede namang palitan lang ng ibang kulay ang original case ng iyong cellphone.

Marami ang naka-relate sa post at agad na ibinahagi ang kanilang alaala sa pagpapalit ng case noon. Sabi ng isang netizen, kapag daw nakapagpalit ng case noon ay ‘rich kid’ ka na. Feeling astig ka rin daw kapag bago ang case mo.

Sa mahilig naman bumili, pwedeng maya’t maya ang pagpapalit nito, depende sa trip mong disenyo o kung babagay ba sa kulay ng outfit ng gagamit. Sabi naman ng ilan, kapag daw ‘lokal’ ang nabili mong case, sigurado raw na matigas at mahirap pindutin ang kasamang keypad nito.

Larawan mula sa FB group na We Are 2k

Ibinida naman ng ilan ang naging disenyo ng kanilang casing. Mayroong iba’t ibang kulay lang ang trip at walang design, habang ang iba naman ay ang paborito nilang cartoon characters ang nakabalandra tulad ni Hello Kitty.

Sabi naman ng isang netizen, mas gusto niya raw ang parang transparent na case para makita ang pinalagay niyang backlight sa phone na iilaw kapag ginagamit o di kaya naman ay may tumatawag o nagte-text.

Loading…