Basta’t may social distancing: Swimming na pinakahihintay, maaari na sa Boracay

  • Papayagan na sa mga residente ng Aklan ang paglangoy at pamamasyal sa mga beaches ng Boracay
  • Kailangang sundin ng mga turista ang guidelines na nakabatay sa Executive Order No. 027
  • Mahigpit na ipatutupad ang social distancing at “No Registration, No Swimming” policy

Kung ikaw ay taga–Boracay at hindi na–enjoy at nasulit ang summer vacation dahil sa community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic, puwes, hindi pa huli ang lahat!

Kung may sapat na budget naman at matitiyak ang pagsunod sa mga precautionary measures ng General Community Quarantine, maaari nang magtungo ang mga Aklanon sa isa sa mga pinakapaboritong tourist attraction sa Pilipinas: ang isla ng Boracay.

Yes, pinahintulutan na ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan ang pagligo sa mga beaches sa Boracay para sa mga residente, basta’t masusunod lamang ang social distancing. Makikita ito sa kanilang opisyal na Facebook page.

Imahe mula sa opisyal na Facebook page ng LGU Malay

“Executive Order No. 027: An Executive Order Adopting the Executive Order No. 027 of the Provincial Government of Aklan and Providing Guidelines Under the Modified General Community Quarantine for the Municipality of Malay,” ayon sa caption ng post. Kalakip nito ang kopya ng guidelines upang mabasa ng mga mamamayan.

Sa ilalim ng “Section 2: Specific Provisions” letrang F na may pamagat na “Swimming Guidelines”, nakasaad na “all swimmers must register with the designated lifeguard stations. Swimming shall be allowed between 6:00 AM until 6:00 PM.”

Sa pagpapatuloy, “Swimmers are encouraged to use their own goggles and masks. ‘No Registration, No Swimming’ policy shall be imposed. All swimmers are subject to minimum health standards such as, but not limited to taking body temperature, and physical distancing.”

“Beach viewing and sunbathing areas are hereby designated every after 200-meter swimming area mark. Beach walking is also allowed subject to strict observance of physical distancing and wearing of face mask,” ayon sa panghuling talata.

Public Domain Image

Umani naman ito ng reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Swimming with social distancing… really funny! It’s more fun in the Philippines!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Sa ibang bansa allowed na mag–beach pero social distancing para sa mga magkakaibang household. Hindi lang po sa Pilipinas.”

“What’s the point in social distancing when you’re swimming in the same sea?” pahayag naman ng isa.

Sa kasalukuyan ay wala pang positibo o kompirmadong kaso ng virus ang naturang isla kaya naman sa pagpasok ng istriktong pagpapatupad ng GCQ sa Boracay, dalangin ng mga residente na mapanatili nito ang kalagayan nitong “COVID-19 free.”

Loading…