Batas na magpapalit sa pangalan ng NAIA, isinusulong sa Kamara

Imahe mula sa PNA
  • Ilang mambabatas nais palitan ang pangalan ng NAIA
  • Ayon sa panukala, gagawin na itong “Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas”
  • Ang panukala ay inihain ni Davao City Rep. Paolo Duterte

MAYNILA, Pilipinas – Isinusulong ngayon ng ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan ang isang panukala para palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport o mas kilala sa tawag na NAIA.

Ang nasabing panukala ay inihain ni Deputy Speaker at Davao City Rep. Paolo Duterte sa ilalim ng House Bill No. 7031. Co-author din sa nasabing panukala sina Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco at ACT-CIS party-list Rep. Eric Go Yap.

Rep. Paolo Duterte| Imahe mula sa Facebook

Ang House Bill 7031 ay naglalayong baguhin ang pangalan ng NAIA at gawin itong “Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas.”

“With the proposed name, the airport will be easily identified as the international doorway of the country, in view of it being in Filipino language and branding it as the international airport of the Philippines,” ayon sa explanatory note nito.

Ang NAIA ay ipinangalan noong 1987 kay dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino, Jr. matapos maupo sa puwesto bilang Pangulo ang kaniyang biyuda na si Cory Aquino kapalit ng napatalsik na si Ferdinand Marcos.

Imaeh mula sa Facebook ng Philstar

Ilang beses ding nakilala ang NAIA bilang isa sa ‘worst airport in the world’ noong panahon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III bago ito nagawaran bilang ‘most improved’ noong 2018 matapos ang liang buwang pagsasaayos dito.

Inilunsad na rin dati ang isang petition sa Change.org para ibalik ang pangalan ng NAIA sa dating Manila International Airport o MIA. Sa kasalukuyan ay mayroon itong mahigit 135,000 na lagda.

Loading…