Bea Alonzo humingi ng treat para sa 37th birthday ni John Lloyd

Image by John Lloyd Cruz via Instagram / Image by Bea Alonzo via Instagram
  • Pinadalhan ni Bea Alonzo ng birthday greetings si John Lloyd Cruz
  • Sabi ni Bea, hihintayin nito ang treat ng aktor pagbalik nito
  • Maraming tagahanga ang kinilig dito at umaasang may pag-asa pa para magka-ibigan ang dalawa

Maraming tagahanga ang kinilig matapos padalhan ni Bea Alonzo ng belated birthday greetings si John Lloyd Cruz sa pamamagitan ng social media; nagdiwang kasi ang aktor kanyang ika-37 kaarawan noong June 24.

Image by John Lloyd Cruz via Instagram

Saad ng Kapamilya actress sa Instagram kung saan naka-tag si John Lloyd at kalakip ang larawan nilang magkasama, “Happy Birthday Idan! Hihintayin ko treat mo pagbalik mo!”

Idan ang palayaw ng aktor sa mga malapit na kamag-anak at kaibigan.

Muling namang ipinost ng premyadong aktor ang update; kung saan maraming tagahanga ang kinilig at naniniwalang may pag-asa pa para magka-ibigan ang dalawa.

Komento ng isang netizen, “Greatest love team ever on screen and hopefully off screen as well soon. It’s time to break the wall of hesitance and over analysing. Follow your right this time once and for all!!”

Sabi naman ng isa, “Sana kayo na lamang ang magkatuluyan.”

Matatandaang matagal ding naging magka-loveteam sina John Lloyd at Bea, kaya’t kilala sila bilang perennial love team.

Nagsimula ang kanilang karerang magkasama sa showbiz noong 2002 sa pamamagitan ng top-rating teleserye na Kay Tagal Kang Hinintay, na sinundan ng blockbuster films na One More Chance at A Second Chance.

Sa kabuuan, nakagawa na sila ng pitong teleserye at walong pelikula.

Image by John Lloyd Cruz via Instagram

Umugong naman noong January 2016 ang espekulasyon na diumano’y may espesyal na unawaan sila. Panahon ito noong naghiwalay sina Bea at ang boyfriend nitong si Zanjoe Marudo; naghiwalay din sina John Lloyd at Angelica Panganiban.

Kaya lamang, pinabulaanan nila ang mga isyu at nanindigang magkaibigan lamang sila.

Noong February 14 ay nagsama sila sa live script reading ng That Thing Called Tadhana sa Ayala Triangle, Makati City.

Samantala, batay sa PEP, sumalang ang dalawa kamakailan sa isang Instagram Live para sa isang “unconfined” cinema project.

Image by John Lloyd Cruz via Instagram
Source :

PEP, Push, Instagram

Loading…