Bikers nakatanggap ng libreng reflective sash

Imahe mula sa Facebook | Bikers United Marshalls
  • Namigay ng libreng reflective sash ang mga Good Samaritan na kalaunan ay kinilalang taga-UP Mountaineers
  • Bahagi raw ito ng layunin nilang isulong ang biker visibility sa daan lalo na ngayong marami ang gumagamit nito upang makarating sa patutunguhan
  • Nagpasalamat naman ang netizens sa naisip na ito ng grupo

Marami ngayon ang gumagamit ng bisikleta upang makarating sa kanilang destinasyon dahil limitado pa ang pinapayagang pampublikong transportasyon.

Imahe mula sa Facebook | Bikers United Marshalls

Upang makatulong sa pagpapanatiling ligtas sa mga biker na bumabagtas sa kalsada ay namahagi ng libreng reflective sash ang mga hindi nagpakilalang Good Samaritans.

“Not all heroes wear capes. Some take time to give reflective sash to bike commuters along Visayas Avenue on a random day and time. Thanks to this pair of anonymous heroes for caring for the biking community,” sabi ng Bikers United Marshalls sa kanilang Facebook post.

Dahil daw sa ginawa nilang ito ay maaaring nailigtas nila ang buhay ng mga nagbibisikleta.

Sa comment section ay sinabi ni Celina Cruz-Lopez na bahagi ito ng #KitaKa Project ng UP Mountaineers upang makatulong sa biker visibility sa daan. “We are currently limited to certain areas, but we are trying our best to produce more and broaden our distribution reach.”

Imahe mula sa Facebook | Bikers United Marshalls

Nagpasalamat naman ang netizens sa naisip nilang ito. “Kahit hindi ako nakatanggap, salamat po sa kabaitan. Bilang babae, napakahirap makipagsabayan sa daan. Ang laking tulong niyan para sa kapwa ko bike to work,” komento ni Anabelle B.

“Humahanga po ako sa inyong pagsisikap na makatulong sa ating mga bike to work na kapadyak pagpalain po nawa kayo sa inyong kabutihang loob sa kapwa,” sabi naman ni Victor Manalo.

Ngunit bukod sa reflective sash ay napansin din ng netizens ang pangangailangan ng mga biker sa helmet. “Paki remind or advise na rin po sila na mag-helmet,” ani Jonard I.

“Isa din po talaga ‘yan sa napansin namin. Madaming walang helmet. Hinihikayat po namin ang mga taong may extrang helmet na kung puwedeng ibigay ito sa nakikita nilang walang helmet,” tugon ng Bikers United Marshalls.

Ride safe, bikers!

Source :

Facebook

Loading…