Binata na si doggie: Aso ginawan ng “Hanap Jowa Pass” ng tagapag-alaga

  • Netizen ginawan ng “Hanap Jowa Pass” ang alagang aso
  • May isang kaban ng dog food ang aso nitong si Angelito, praktikal kasi ito magregalo sa nililigawan
  • Nagdala ng kasiyahan sa social media ang post ni Jhec Victoria

Marami ang nagagawa ng mga aso sa kanilang mga tagapag-alaga. Maaasahan silang kaibigan, nakapagbibigay ng kasiyahan at tagapagligtas sa oras ng pangangailangan. Kaya’t hindi nakapagtataka na tinatawag itong “man’s best friend.”

Image by Jhec Victoria via Facebook

Subalit kung dumating ang panahon na sila naman ang nangangailangan ng tulong para makapanligaw sa iniibig, tutulong ka ba?

Nagbigay kasiyahan sa social media ang post ni Jhec Victoria sa Facebook kung saan ibinahagi niya ang gawang “Hanap Jowa Pass” para sa kanyang alagang aso na si Angelo “Angelito” Tigas Ulo Jr.

Katulad ng “quarantine pass” na iniisyu sa mga tao tuwing lalabas ng bahay, magagamit ito ni Angelito para legal umanong makalabas at makapunta sa bahay ng nililigawan.

Makikita sa larawang ibinahagi na suot ng aso ang “pass” at mayroong isang kaban ng dog food sa likod niya na siya umano nitong ireregalo sa iniibig.

Kapsyon sa post, “Hmmm! Wala na pong pwedeng mag-bawal sakin. Legal na po akong manligaw. Mga chicks, antay lang kayo, eto na ako. Praktikal na po ako manligaw, ‘di na uso ang flowers, isang sako ng dog food po ang gift ko.”

Kinilig naman ang mga netizens sa cute na binatang aso at nag-trending ang update ni Jhec.

Komento ng isang netizen, “Ampogi naman talaga ni Angelito, manang-mana kay Tatay Angelo.”

Image via Facebook

Dagdag naman ng isa, “Hay naku bebe Angelito, ‘wag ka munang mag-aasawa, bata ka pa. Maghanap ka muna ng girlfriend, OK. Ka-guwapo, mana ka sa Papa Angelo mo.”

Anupa’t good vibes ang dala ng aso, pero paglilinaw ni Jhec, pang-katuwaan lamang ang kanyang post para gumaan ang ating pakiramdam sa mapanghamong panahon ngayon.

Maraming salamat sa dala ninyong ngiti, Jhec at Angelito.

Image by Jhec Victoria via Facebook
Source :

Facebook

Loading…