Binatang ulila at nag-iisa ngayong pandemya, ipinanawagan ng tulong ng mga guro; Kapuso Foundation umaksyon

  • Isang binata ang namumuhay nang mag-isa ngayong may umiiral na quarantine sa bansa
  • Ulila na ang bata kaya naman tanging mga guro na lamang niya ang katuwang
  • Sumulat ang mga guro niya sa GMA Kapuso Foundation upang humingi ng tulong at hindi naman sila nabigo

Ngayong may pandemya, panawagan ng mga awtoridad ang mag-stay at home muna. Naging quality time ito ng maraming pamilya at naging instant bonding habang pinananatiling ligtas ang sarili mula sa C0VID-19.

Ngunit hindi lahat ng nanatili sa kanilang mga tahanan ay masaya at may kasama. Mayroong mga nag-iisa na lamang sa buhay na walang katuwang sa kinahaharap na suliranin. Ganito ang kuwento ng isang binatang sinusuong ang kinahaharap na krisis nang mag-isa.

Larawan mula sa GMA News video sa YouTube

Sa isang episode ng GMA primetime newscast na 24 Oras, itinampok ang kuwento ng mag-aaral sa senior high school na si Aldlimer Virgel Baring mula sa Mabalacat, Pampanga. Ulilang lubos na ang binata at ang lola na nag-aaruga sa kanya ay yuma0 pa ngayong taon.

Dahil sa mga dagok na pinagdaanan, ang dating masiyahing si Aldlimer ay naging matamlay at napadalas na raw ang pagliban sa klase. Ito rin ang dahilan upang malaman ng mga guro niya ang mga kinahaharap na pagsub0k ng estudyante.

Napag-alaman ng mga guro ni Aldlimer na dahil nag-iisa na lang siya, pinapasok niya ang iba’t ibang trabaho katulad ng pangangalakal at pag-extra sa construction. Binibigyan din siya ng baon ng mga guro niya para lang hindi na mahinto sa pag-aaral.

Ngunit dahil sa lockdown, hindi na nakapagtrabaho pa si Aldlimer. May mga araw na hindi na siya kumakain. Kung minsan naman ay naaabutan ng tulong ng mga guro at mga kapitbahay ang kaawa-awang binata.

Larawan mula sa GMA News video sa YouTube

Nang dahil sa kalagayan ng estudyante, napagpasiyahan ng mga guro niya, sa pangunguna ni teacher Jan Aeron Bernardo na idulog ang istorya niya sa GMA Kapuso Foundation at humingi ng tulong. At agad namang tumugon ang GMA sa panawagang ito at nagdala ng tulong para kay Aldlimer.

Binigyan siya ng mga grocery items, washable face masks, tubig, banig, at kumot na magagamit niya habang hindi pa nakapagtatrabaho. Labis-labis naman ang pasasalamat ni Aldlimer sa biyayang natanggap at sa mga taong tumulong sa kanya kabilang ang mga guro at kapitbahay.

Panoorin ang buong kuwento ni Aldlimer sa video na ito:

Source :

GMA News, YouTube

Loading…