Bintana ng mga pampublikong sasakyan panatiliing nakabukas – Rep. Tulfo

Screenshot mula sa GMA video
  • Iminungkahi ni Rep. Jocelyn Tulfo ng CT-CIS Partylist na dapat nakabukas ang bintana ng mga PUVs
  • Naniniwala si Rep. Tulfo na magiging mas ligtas para sa mga pasahero kung ang bintana ng PUVs ay nakabukas at sarado ang air-conditioning units
  • Iminungkahi rin niya na magtalaga ng mga barangay health workers sa terminal at pick up points ng PUVs

Hinimok ni Representative Jocelyn Tulfo ng ACT-CIS Partylist ang pamahalaan na tanggapin at sundin ang mga panuntunan ng ilang international health organizations kontra sa COVID-19 na hayaang nakabukas ang mga bintana upang makapasok ang hangin sa mga public utility vehicles (PUVs).

Screenshot mula sa GMA video

Sinabi ni Rep. Tulfo sa kanyang pahayag na ang sariwang hangin, bukas na bintana, open air spaces at non-recirculation of air sa mga saradong espasyo ay bahagi raw ng abiso at patnubay mula sa US Centers for Disease Control, World Health Organization, European Union, Australia Department of Health, at Center for Public Health ng Hong Kong.

“Their guidance, I believe, constitute more than enough sound, rational inputs to the Philippines’ adoption of public transport and workforce policies to gradually allow strictly enforced gradual resumption of public transport nationwide, including public utility jeepneys, motorcycle taxis, buses, and UV express,” sabi ng mambabatas na kabiyak ni Raffy Tulfo.

Batay sa mga guidelines ng mga international health organizations na kanyang binanggit, naniniwala si Rep. Tulfo na mas ligtas para sa mga pasahero kung ang bintana ng kanilang sinasakyan ay nakabukas, ang kurtina ay nakataas at hindi bukas ang air-conditioning units.

Imahe mula sa Facebook account ni Rep. Jocelyn Tulfo

Dapat lang umanong tandaan na napakaimportante na ang mga pasahero ay nakasuot ng face mask, hindi inuubo at walang lagnat. Hindi rin dapat siksikan ang mg pasahero sa loob ng sasakyan.

“Mag-spray ng running alcohol sa mga bagay na nahahawakan ng ibang tao. Palaging magdala ng alcohol at hand sanitizer. Mayroon din dapat naka-standby na alcohol o hand sanitizer dispenser sa mga pampasaherong jeep, taxi, TNVS, UV express, o bus,” sabi pa ng mambabatas.

Iminungkahi rin ni Rep. Tulfo na mag-deploy ng mga barangay health workers sa mga terminal at pick up points ng mga sasakyan upang matiyak na nasusunod ng publiko ang minimum health standards at makapagsagawa na rin ng screening sa mga pasahero at drivers.

Imahe mula sa Page One

Loading…