Blessing! Dimples Romana may bagong condo unit

Imahe screenshot via Instagram
  • Dimples Romana bumili ng bagong condo sa Makati
  • Ibinahagi rin ng aktres ang larawan ng kaniyang bagong unit
  • Binati naman si Dimples ng kaniyang mga kasamahan sa showbiz

Hindi maitago ni Dimples Romana ang kasiyahan dahil sa binili nilang bagong unit na condo sa lungsod ng Makati.

Ibinahagi ni Dimples sa Instagram ang ilang larawan kuha sa loob ng unit at kasama ang kaniyang kabiyak na si Boyet Ahmee. Makikita sa larawan ang isang maluwang at maaliwalas na bahagi ng condo at ang ilang mga gusali sa background naman nito.

Imahe via Instagram

“Today’s milestone offering this blessing to my Papa in heaven my grateful heart sings praise for Your unending grace and love Father God May the weekend bring forth blessings of peace and joy to you and your family! Magandang hapon po sa lahat from me and my loveteam for life,” anang caption ng aktres.

Sa isa namang larawan ay makikita ang solong kuha ni Dimples na may caption na “Radiating God’s love! Good morning amazing people! Don’t forget to shine from within.”

Kaagad namang binati si Dimples ng kaniyang mga kaibigan at kasamahan sa showbiz.

“@dimplesromana I’m so proud of you,” komento ni Bea Alonzo.

Imahe mula sa Instagram

“Uy! Panibagong condo na naman ba yan?” tanong naman ni Chito Miranda.

“Katas ng babaylan,” biro din ni Robert Seña.

Binati rin si Dimples nina Erik Santos, Ruffa Gutierrez, Melai Cantiveros, Mark Bautista at marami pang iba.

Bagama’t hindi nabanggit ng aktres kung saan sa Makati ang kanilang bagong unit, marami sa mga netizen ang nagsabing mukhang sa Rockwell ito.

Si Dimples ay nakilala sa mga pelikula ng Star Cinema tulad ng ‘One More Chance’, ‘When Love Begins’, ‘A Second Chance’ at marami pang iba.

Tumatak din sa mga manonood ang mga role niya sa mga teleserye ng Kapamilya channel tulad na lamang bilang Gloria, ang Babaylan ng Sansinukob sa ‘Bagani’ at bilang Daniela Mondragon-Bartolome sa ‘Kadenang Ginto’.

Loading…