Bunga ng pagsisikap: Larawan ng anak na inaabot ang medalya sa amang magsasaka, umantig sa netizens

  • Umantig ang larawan ng mag-amang nakamit ang isa sa pinakamalaking tagumpay nila
  • Nagtapos kasi ang anak at inialay niya sa amang magsasaka ang kanyang karangalan
  • Agad ring nag-trending ang larawan sa social media  at maraming netizens ang natuwa sa mensahe nito

Karangalan ng isang anak ang makapagtapos ng pag-aaral. Simbolo kasi ito na mayroong magandang bukas na naghihintay sa kanya. Ngunit kung isang karangalan para sa anak ang pagtatapos, doble naman ang kagalakang nadarama ng mga magulang naitawid ang edukasyon ng kanilang mga supling.

At sa bansang Pilipinas, kung saan maraming pamilya ang sapat lang ang kinikita sa araw-araw, isang malaking bagay na ang makapagpatapos ng isang anak sa pag-aaral. Ganito ang diwa ng isang trending na larawan sa social media.

Larawan mula kay Homer Telan Tabag via Teacher Jay

Makikita sa post ng page ni Teacher Jay ang larawang kuha ni Homer Telan Tabag. Tampok dito ang isang anak na nakasuot ng toga kaharap ang ama niyang nasa bukid at nagsasaka. Iniaabot din ng anak ang mga medalya niya sa ama.

Sumisimbolo ito na ang karangalan ng anak ay hindi lamang para sa kanya, kung hindi para na rin sa amang nagsusumikap para matustusan ang kanyang pag-aaral. Nagsasalarawan din ito ng pag-asa na walang estado ng pamumuhay ang makapipigil sa isang taong may pangarap, lalo na kung sinusuportahan ito ng mga magulang.

Dahil sa napakagandang mensahe ng larawan, umani ito ng 57,000 reactions na karamihan ay ‘l0ve,’ 600 comments, at 54,000 shares isang araw matapos i-upload. Maraming netizens ang nagpaabot ng kanilang mensahe at saloobin sa nakaaantig na larawan.

Pahayag ng ilang netizens, hindi raw nila mapigilan ang kanilang emosyon nang makita ang larawan. Damang-dama raw nila ang walang katumbas na mensahe nito. Sumasaludo sila sa masisipag na anak na binibigyang halaga ang pagsusumikap ng mga magulang.

Larawan mula sa Pexels

Hanga rin ang maraming social media users sa mga magulang na bagaman hindi ganoon kalaki ang kita at simple lamang ang trabaho ay nagagawang palakahing mabuti at may magandang bukas ang mga anak. Wala raw talagang imposible sa taong handang magsakripisyo para sa minamahal.

“The best feeling na makita ang ngiti ni tatay. Ang sarap yakapin nang mahigpit upang maibsan ang pag0d at sakripisyo,” pahayag ng isang netizen na naantig sa trending na larawan.

Loading…