Calida may buwelta kay Coco Martin: “If I had not been SolGen, I will make you eat your words”

  • Dumalo si SolGen Calida sa Congressional hearing hinggil sa prangkisa ng ABS-CBN
  • May buwelta si SolGen Calida sa ABS-CBN actor na si Coco Martin
  • Kung hindi lang siya ang solicitor general ay ipakakain umano ni Calida kay Coco Martin ang mga salitang sinabi nito laban sa kanya

Binasag na ni Solicitor General Jose Calida ang kanyang pananahimik sa mga paratang sa kanya tungkol sa usapin ng pagpapasara sa ABS-CBN bunsod ng isyu sa congressional franchise nito na nawalan na ng bisa noong nakaraang buwan ng Mayo.

Imahe mula sa OSG

Ipinahayag ng Solicitor General, na dumalo sa joint committee Congressional hearing sa pamamagitan ng Zoom, kung ano ang tunay na isyu sa pagpapasara ng ABS-CBN.

“The real issue with ABS-CBN and its owners is not press freedom. It is money, politics and power. How power is acquired; how it is abused and maintained; and most of all, how it obstructs the country’s economic and democratic development,” aniya, na ang mga katagang binanggit ay mula sa national artist for literature na si F. Sionil Jose.

Sinabi ni Calida na ginamit ng ABS-CBN stars at celebrities ang social media upang magreklamo sa inaakala nilang pang-aapi ng pamahalaan. Ginamit umano ng mga ito ang impluwensya nila sa kanilang mga tagahanga para guluhin ang isyu at makakuha ng suporta para sa giant TV network.

“Stars and celebrities have taken to social media to rail against what they perceive to be oppression on the part of the government. In desperation, they would want to use their influence over their multitudes of fans to muddle the issue and drum up support for their network,” anang solicitor general.

Screenshot mula sa video ni Coco Martin

Aniya, ang isa sa mga nasabing ABS-CBN stars na nagsalita laban sa pamahalaan ay ang aktor na si Coco Martin.

Binigkas pa ni Calida ang mga eksaktong salita na sinabi ng aktor laban sa kanya.

“He said in the social media also addressed to me that, and I quote ‘kapag ang pamilya ko kinanti, kahit sino ka pa, lalaban ako ng pat*yan sa ‘yo kahit pat*yin mo pa ako. Maraming salamat Solicitor General Jose Calida at sa bumubuo ng National Telecommunications Commission sa kontibusyon ninyo sa ating bayan. Tinatarant*do ninyo ang mga Pilipino,”  banggit ni Calida sa mga sinambit ng actor laban sa kanya.

Kung hindi lang umano siya Solicitor General ay pinatulan na niya si Coco Martin at ipakakain ang mga sinabi nito.

“If I had not been the Solicitor General, I would have called his bluff and make him eat his words,” mariing sambit ni Calida.

Imahe mula sa ABS-CBN

Ipinakita lang umano ng “outbursts” ni Coco Martin na hindi nito naiintindihan ang isyu ng prangkisa.

Ayon pa sa solicitor general, akala raw yata ni Coco Martin ay maso-solve ang problema sa prangkisa katulad ng paglutas sa problema na ginagawa niya sa pelikula – sa pamamagitan ng pagtatapang-tapangan.

Source :

Inquirer, YouTube

Loading…