Cavite Governor Remulla hinggil sa Anti-Terrorism Act: “Let us focus on the bigger problems”

  • Nagpahayag ng kaniyang pananaw si Cavite Governor Jonvic Remulla hinggil sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act
  • Para sa kaniya, mas kailangan umanong unahin ang malalaking suliranin ng bansa gaya ng COVID-19, enrollment, trabaho, at transportasyon
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens

Isa sa mga kontrobersyal na panukalang-batas ngayong 2020 ang “Anti-Terrorism Act” na talaga namang inuulan ng pamumuna mula sa mga karaniwang tao hanggang sa mga pinakasikat na personalidad sa iba’t ibang larangan. May ilang detalye o bahagi kasi sa naturang panukalang-batas na itinuturing na “kuwestyunable” o hindi malinaw.

Isa sa mga politikong naglahad ng kanyang opinyon hinggil dito si “Cavite Governor Jonvic Remulla” kung saan ay ipinahayag niya noong Linggo ng umaga, Hunyo 7, 2020, na bahagi raw ng kulturang pampulitika ang magbahagi ng opinyon sa mahahalagang isyung panlipunan. Ginawa niyang halimbawa ang nangyaring palitan nila ng salita ng aktor na si “Robin Padilla” noong naglabas ito ng saloobin ukol sa kaniya. Makikita ito sa opisyal na Facebook page ng lokal na pamahalaan na “Go Cavite.”

Imahe mula sa Facebook page na Go Cavite / Public Domain Image

“According to the proposed Anti-Terrorism Act, this person is liable far beyond the penal code. Puwede po siya ikulong ng 24 na araw kahit walang ‘inquest’,” pahayag ni Remulla patungkol sa binatang nagbanta sa kaniya sa isang group post na nagngangalang “Laguna Vs. Cavite Trashtalkan” kung saan hindi naman daw niya sineryoso.

“Di naman ako maalam kung ano ang nangyayari sa ilalim ng lahat, pero sapat ba itong paratang at ikulong ang isang bata?” dagdag pa niya.

Binanggit din niya na “Dissent is in the fabric of our political culture. Lumaban ang mga Caviteno sa mga Kastila. Lumaban ang mga gerilya laban sa mga Hapon. EDSA 1 and 2 ay d’yan nanggaling. We are all a better nation because of it,” na nagpapahiwatig na tutol siya sa ipinapasang panukalang-batas ngayon.

“Let us focus on the bigger problems like COVID-19, enrollment, jobs, and transportation. Baka naman sa panahon na ito, mas maigi na tayong namumuno ay makinig at unawain ang hinaing, kaysa gamitan ng kamay na bakal at puwersa ng kapangyarihan,” ayon pa sa governor.

Public Domain Image

Umani naman ito ng reaksyon at komento mula sa mga netizens lalo na ang kaniyang mga nasasakupan.

“I agree with you Governor! Marami na nagugutom, naaawa ako sa mga jeepney drivers na namamalimos na, ibalik na sa normal, aware na naman ang mga tao sa virus para maiwasan, mamigay na lang ng mga safety gears sa ibang tao para hindi mahawa,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Sorry po pero I think urgent naman po ang bill na iyan. The government is trying to protect the people, trying to keep the people alive dahil hindi po tayo sigurado kung kailan aatake ang mga terorista. There is no perfect time to do it but now.”

“Tama po kayo diyan gob. Kailangan nga talagang paghandaan ang mga bagay-bagay. May mga inuuna kasi sila na puwede namang ipagpaliban muna,” pahayag naman ng isa.

As of this writing ay marami pang mga mambabatas na nauna nang nagpabatid ng suporta hinggil dito ang isa-isa nang bumabawi ng kanilang boto.

Source :

Facebook

Loading…