Cebu governor posibleng maharap sa kaso dahil pinayagan ang backriding sa mga motorsiklo – DILG

  • Cebu governor binalaan ng DILG na sasampahan ng kaso dahil sa pagpayag sa backride sa motorsiklo
  • Naglabas si Gov. Gwendolyn Garcia ng executive order na pinapayagan na ang backriding sa mga pribadong motorsiklo
  • Ang executive order ay magiging epektibo kapag gumawa ng ordinansa na sumusuporta sa order ni Garcia ang Provincial Board

Posibleng sampahan ng mga kaso si Cebu Governor Gwendolyn Garcia kung ipatutupad niya ang inilabas na executive order na  pinapayagan ang backride o angkas sa mga pribadong motorsiklo, ayon sa isang opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Imahe mula sa PNA

Sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III na maging ang mga miyembro ng Provincial Board ay mahaharap sa kaso kapag gumawa sila ng ordinansa na sumusuporta sa order ng gobernador.

Ang kautusan ni Gov. Garcia ay labag umano sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases at Republic Act 11469 o Bayanihan to heal as One Act. Kung hindi babawiin ang executive order ay ipatatawag ng IATF ang gobvernador upang magpaliwanag.

“I would suggest the good governor in Cebu not to enact or implement the executive order because if she does, then that will actually happen in Cebu, I have no choice but to send her a show-cause order,” pahayag ni Usec. Densing.

“All local executive orders and ordinances should be aligned with the policies set down by the National Government or the IATF. Otherwise, they can be held criminally and administratively liable,” dagdag pa niya.

Hindi inalintana ni Gov. Garcia ang babala ni Usec. Densing at sinabing handa siyang masuspinde sa pag-issue ng kanyang Executive Order 19 (EO19) na inilabas noong ika-3 ng Hunyo.

Screenshot ng statement ni Gov. Gwendolyn Garcia via Sunstar

Paliwanag ng gobernador, napag-alaman nila na ang backriding ay hindi ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code Act at wala umanong Supreme Court ruling na nagbabawal sa motorcycle backriding.

Sinabi ni Gov. Garcia na ang EO19 ay magiging epektibo kapag gumawa ng ordinansa ang Provincial Board. Inaasahan na maipapasa ang nasabing ordinansa ngayong Biyernes, ika-5 ng Hunyo.

Bukod sa EO19, hinihikayat din ng gobernador ang mga mayors na luwagan ang ipinatutupad na border control sa pagitan ng mga bayan.

Imahe mula sa Facebook account ni Gov. Gwendolyn Garcia

Loading…