Cebu Pacific muling magtatanggal ng empleyado

Imahe mula sa Cebupac Fabeook page
  • CebuPac magtatanggal ng empleyado sa mga darating na buwan
  • Bunsod na rin ito ng pagkalugi ng kumpaniya dahil sa coronavirus
  • Hindi nila inaasahang makabawi umano ang industriya sa loob ng 2-3 taon

MAYNILA, Pilipinas – Kinumpirma ng Cebu Pacific Airlines nitong Miyerkules na muli silang magtatanggal ng mga empleyado sa darating na dalawa o tatlong buwan dahil sa pagsadsad ng kita bunsod na rin ng pagbabawas ng mga flight dahil sa coronavirus.

Ayon kay Charo Logarta Lagamon, tagapagsalita ng kumpanya, hindi pa nila masasabi kung ilanng empleyado ng Cebu Pacific ang posibleng mawalan ng trabaho dahil kasalukuyan pa nilang pinag-aaralan ang nasabing hakbang.

“Kasi it’s really right-sizing the organization, so it’s really looking at the role, the functions and the departments,” wika ni Lagamon.

Iamhe mula sa Cebupac Facebook page

Sinabi rin ni Lagamon na ‘across-the-board’ ang mangyayaring tanggalan na ang ibig sabihin ay maaapektuhan ang lahat ng empleyado sa lahat ng posisyon.

Pinipilit umano nilang iwasan ang mag-lay off ng empleyado nitong nakalipas na mga buwan at ginawa na nila ang mga kaukulang hakbang tulad ng pagbabawas sa suweldo ng mga opisyal ng kumpanya subalit nahihirapan na umano ang CebuPac dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga pasahero.

“Unfortunately it’s come to a point na talagang we really need to take a look at the business conditions, environment and see how to move forwards from this,” paliwanag ni Lagamon.

Imahe mula PAL Facebook page

Ganun pa man kailangan umanong gawin ang nasabing hakbang lalo pa’t hindi nila inaasahang makabawi ang airline industry sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon.

Nauna nang nag-anunsiyo ang Philippine Airlines (PAL), Air Asia at 1Aviation Groundhandling Services Corp. tungkol sa pagtatanggal din ng kani-kanilang mga trabahador bunsod ng kasalukuyang pandemiya.

Loading…