Cebu Provincial Government pinagtutuob ang mga empleyado ng kapitolyo two times a day

Imahe mula sa Cebu Tours
  • Isang memorandum ang inisyu ng Cebu Provincial government na nag-aatas sa mga empleyado na mag-tuob nang dalawang beses kada araw
  • Naniniwala ang mga Cebu officials na makatutulong ang pagtutuob upang maibsan ang COVID-19 pandemic
  • Isang hydrotherapy advocate din ang nagpahayag na mabuti sa kalusugan ang pagtutuob

Huwag na raw magtaka kung sakaling makita ninyo ang mga empleyado sa kapitolyo ng Cebu na nakayuko at nakataklob ng tuwalya o kumot.

Imahe mula sa Cebu Tours

Malamang daw na sinisinghot nila ang usok o steam mula sa pinakuluang luya at lemon na nakalagay sa isang maliit na palanggana o kaldero. Ito ang tinawag na “tuob” ng mga Cebuano (suob sa Tagalog) o steam inhalation therapy.

Naniniwala ang mga Cebu officials na makatutulong ang pagtutuob upang maibsan ang COVID-19 pandemic.

Noong nakaraang linggo ay nag-isyu ng memorandum si Cebu Provincial Administrator Noli Vincent Valencia na hinihikayat ang mga empleyado ng kapitolyo na magtuob dalawang beses sa isang araw – sa pagitan ng 8 a.m. at 9 a.m.; at sa pagitan ng 4 p.m. at 5 p.m. – dahil sa dumaraming COVID-19 cases sa Cebu City.

Ayon kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia, ang pagtutuob ay posibleng isang lunas para sa mga asymptomatic patients o kaya sa mga may mild case ng COVID-19  upang hindi na sila magtungo sa mga ospital na ngayon ay punung-puno na ng mga pasyente.

Hinihikayat din ng gobernadora ang lahat na palakasin ang katawan laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pag-inom ng 8 hanggang 12 baso ng tubig kada araw, mainit na turmeric ginger tea mix two times a day at calamansi juice twice a day at mag-vitamins.

Imahe mula sa vlog ni Bong Goo

Ayon sa memorandum, mamamahagi ng “tuob kits” ang Provincial Health Office at ng instructions kung paano ang tama at ligtas na paraan ng pagtutuob.

Isang hydrotherapy advocate, si Dr. Dale Pasco, ang naniniwala na kapag nagtutuob ay dumarami ang white blood cells na nagreresulta sa pag-igi ng kundisyon ng pasyente. Kapag nagtuob, napipigil umano ang virus na makapasok sa katawan habang ito ay nasa nasal cavity pa lang.

“When the virus enters the nose or mouth, we still have four to five days to fight it. This is where steam inhalation plays a very important role in this phase. Let us not wait for it to reach the lungs,” paliwanag ni Dr. Pasco.

Imahe mula sa Facebook page ng Cebu Provincial Government

Naniniwala si Dr. Pasco sa findings ng US Department of Homeland Security na ang virus ay napupuksa sa temperaturang  27 degrees Celsius at over 40% humidity.

“Many will disagree, but I stand by the findings of the Department of Homeland Security,” aniya.

Loading…