“Charice” na-miss ng mga tagahanga matapos ang FaceApp ng netizen kay Jake Zyrus

  • Na0miss ng mga tagahanga si “Charice Pempengco” nang makita ang FaceApp na ginawa ng isang netizen kay Jake Zyrus
  • Matatandaang nakilala muna si Jake bilang si “Charice” hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba pang panig ng daigdig
  • Marami sa mga netizens ang nagpahayag na gusto na nilang marinig at makitang muli ang dating Charice na una nilang minahal at hinangaan

Patok na patok ngayon ang paggamit ng mobile application na “FaceApp”, photo at video editing application para sa iOS and Android na ginawa ng Wireless Lab, isang kompanyang nakabase sa Russia. Layunin nitong gumawa ng mga highly realistic transformations ng mukha ng mga tao sa mga larawan batay sa artificial intelligence.

Mapa-karaniwang mga tao o sikat na celebrity ay nagtangkang makita ang kanilang hitsura kung sakaling sila ay nasa kataliwas nilang kasarian. Isa sa mga kinatuwaang larawan ng celebrity na ginawan ng FaceApp sa social media ay kay Jake Zyrus, na unang nakilala at sumikat bilang international superstar na si “Charice Pempengco.” Makikita ito sa Facebook page na “Taguro Meme.”

Imahe mula sa Facebook page na Taguro Meme

Marami sa mga tagahanga ni Jake Zyrus ang natuwa nang masilayan nila ang dating Charice na una nilang hinangaan at minahal. Ayon sa kanila, ito raw ang “lehitimong FaceApp” dahil totoong nangyari talaga ang pagpapalit ng kasarian ng mang-aawit.

“Sa wakas bumalik na ang hitsura ni Charice. Si Charice Pempengco na from now on. Ay, FaceApp lang pala iyan hahaha. Seriously speaking, nakakamiss ang dating Charice. Lalampasuhin pa rin niya ang mga diva ngayon. Kaya niya silang pataubin. Kaya lang, kasabay ng sex change niya, napalitan na rin timbre ng boses niya. Sayang!” panghihinayang ng isa.

Turan naman ng isa, “Well, ginusto naman niya iyan. Diyan siya masaya kaya suportahan na lang natin. Naging bahagi rin naman ang Charice Pempengco sa kasaysayan ng Philippine music industry, na nakilala, pinalakpakan at standing ovation sa mga foreigners kapag nagpe-perform na.”

“I really missed Charice… pero since wala na tayong magagawa sa kaniyang ginawa sa sarili niya, let us continue to support Jake Zyrus, kung ano man ang naging desisyon niya,” sabi naman ng isa.

Si Charmaine Clarice Relucio Pempengco o Charice Pempengco ay tubong Laguna, na pinalaki ng kaniyang inang si Mommy Racquel Pempengco. Bata pa lamang si Charice ay lumalahok na siya sa mga singing contest sa mga barangay at maging sa TV. Noong 2005, naging kalahok siya sa “Little Big Star” sa ABS-CBN hosted by Sarah Geronimo, subalit nakakuha lamang siya ng ikatlong puwesto.

Public Domain Image

Nagsimula siyang mas makilala noong 2007 matapos sumikat ang kaniyang mga YouTube videos, at maanyayahan siyang kumanta sa mga tv show sa ibang bansa gaya ng “The Ellen DeGeneres Show” at “The Oprah Winfrey Show” na nagbukas sa kaniya ng mga pagkakataon upang makasamang makakanta sina Celine Dion at David Foster.

Nagsimula na siyang magkarooon ng iba’t ibang album, parangal, at performances kasama ang iba’t ibang sikat na artista sa iba’t ibang bansa. Binansagan pa siya ni Oprah Winfrey bilang “Pinakatalentandong Batang Babae sa Daigdig (noong bago pa siya sumailalim sa gender transition). Napabilang pa siya sa sikat na tv show na “Glee” kung saan ginampanan niya ang Pilipinong karakter na si “Sunshine Corazon.”

Nagsimulang magkaroon ng kontrobersiya hinggil sa identidad ni Charice noong 2012 nang magbago siya ng kaniyang fashion statement at hairstyle na para bang rakista.  “I know some people think that this is very rebellious but it’s not. It’s just me evolving,” pahayag niya noon.

Public Domain Image

Noong 2013, dito na inamin ni Charice ang kaniyang tunay na kasarian sa talk show na “The Buzz” sa panayam ni King of Talk Boy Abunda. Taong 2014, tuluyan nang binago ni Charice ang kaniyang imahe sa pamamagitan ng kaniyang boyish looks at pagpapagupit nang maiksi.

Taong 2017, tuluyan na ngang nagpa-gender transition si Charice patungong “Jake Zyrus” kung saan pinatanggal niya ang kaniyang dibdib at nagpa-inject ng testosterone; ang natatanging hormones ng mga lalaki.

“I am always thankful for the life of Charice that I experienced and the music that I shared, but that obviously belongs to her, it’s not for me. I’m letting her go and be free,” ayon kay Jake sa panayam sa kaniya ng isang magazine.

Public Domain Image

Dokyu sa buhay ni Jake Zyrus, wagi sa US Int’l Film

Kamakailan lamang ay nagwagi ng “gold award” ang isang dokumentaryo “Jake and Charice” tungkolsa kanyang journey sa US International Film and Video Festival. Ang nasabing dokumentaryo ay gawa ng NHK (Japan Broadcasting Corporation) at ABS-CBN.

Loading…