China maghahanap ng alien gamit ang 500 meter radio telescope

  • Handa na raw maghanap ng aliens sa outer space ang China
  • Gagawin nila ito sa pamamagitan ng kanilang ginawang 500–meter Aperture Spherical Telescope o FAST
  • Kaya raw nitong higitan ang Arecibo Observatory ng bansang Puerto Rico na kasalukuyang record holder bilang pinakamalaking single-aperture radio telescope sa buong daigdig

Hindi pa man humuhupa ang suliranin ng buong daigdig hinggil sa COVID–19 pandemic, “on the go” na ang China sa pagtuklas ng mga alien o extra terrestrials. na posible umanong nananahan sa outer space o sa ibang universe.

Kaya naman, gumawa ng Five-hundred-meter Aperture Spherical Telescope o FAST ang China na maghahanap ng mga alien signals sa darating na Setyembre, ayon sa ulat ng state media na “Science and Technology Daily”.

Public Domain Image

Ilulunsad sana ito ng China noong Enero subalit nagkaroon ng virus outbreak, at nagsagawa rin sila ng upgrade sa sistema nito. Ayon sa  ChinaTechCity, bukod sa paghahanap ng extraterrestrial life sa universe, mangongolekta rin ng datos ang naturang teleskopyo upang masuri ang mga cosmological phenomenon, tulad ng black holes, gas clouds, pulsars at iba pang mga galaxies.

Nilikha ang nasabing teleskopyo sa Pingtang County na nasa Timog–Kanlurang bahagi ng probinsiya ng Guizhou. Ayon sa chief scientist ng National Astronomical Observatories na si Li Di sa panayam ng China Daily,  “Ultimately, exploring the unknown is the nature of mankind. It drives us to a greater future.”

Kaya raw nitong mahigitan ang Arecibo Observatory ng bansang Puerto Rico, na hanggang ngayon ay record holder sa pagiging pinakamalaking single-aperture radio telescope sa buong daigdig. Ang naturang FAST ng China ay may 500 metres in diameter, likha sa 4,500 36-foot triangular panels. Tinatayang gumastos sila rito ng $270 million.

Public Domain Image

Narito naman ang opinyon ng ilang mga netizens:

“Wow China… para din kayong mga ilang mambabatas na Pilipino eh. Mukhang idol talaga nila kayo. Kung ano–anong inuuna ninyo, puwede bang top priority muna na mawala ang COVID–19 since sa inyo naman nanggaling iyan?” turan ng isa.

Sabi ng isa, “Naghahanap na naman yata nang masasabawang makakain ang mga Tsinong ito, imbes na mag–isip sila kung paano makakabawi sa mga bansang naperwisyo ng ikinalat nilang sakit.”

“Pati ba naman outer space sasakupin ng China? Matindi!” pahayag naman ng isa.

Abangan natin kung magtatagumpay ba ang China na makahanap ng aliens o ibang daigdig sa outer space!

Loading…