Concerned agencies, inalerto dahil sa 22k duplicate SAP beneficiaries

Image by DSWD Support - Philippines Today via Facebook
  • DSWD, napag-alamang may nasa 22,000 duplicated beneficiaries ang SAP
  • Nakipag-ugnayan na sila sa concerned agancies para gumawa ng aksyon
  • Pag-iigtingin pa nila ang pagbusisi sa SAP beneficiaries

Inalerto na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga katuwang nitong ahensya sa pamamahagi ng ayuda makaraang malaman na mayroong nasa 22,000 duplicated beneficiaries ang Social Amelioration Program (SAP).

Image by DSWD Support – Philippines Today via Facebook

Pahayag ni DSWD Undersecretary Rene Paje, nakipag-ugnayan na sila sa mga local government units (LGUs) para gumawa ng akyon, kung kukunin muli ang pera mula sa mga duplicate beneficiaries o i-rekord muna ang pangalan ng mga ito.

Sa mga benepisyaryo naman ng programa mismo ng DSWD kagaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ay madali itong mababawi sa pamamagitan ng pagkaltas sa makukuhang ayuda sa mga susunod na buwan.

Ani Paje sa Laging Handa Public briefing, “Kung ito po ay mga regular beneficiaries natin katulad ng 4Ps, mababawi po natin sapagkat hindi na natin isusunod ang kanilang kabayaran sa mga buwan na darating. Kung anong halaga ang nadoble sa kanila ay mababawi natin.”

“Yun naman pong hindi kasapi sa 4Ps, ang LGU naman ang tututok sa kanila sapagkat yon po naman ay nasasakupan nila.”

Nasabi pa ng DSWD Undersecretary na lalo pa nilang pag-iigtingin ang pagbusisi sa listahan ng mga benepisyaryo ng SAP para makita kung marami pang dumoble sa listahan.

Image by DSWD Support – Philippines Today via Facebook/Quezon City Government

Samantala, pinamamadali na nila ang pamamahagi ng SAP benefits sa target areas kabilang na ang National Capital Region (NCR), Benguet, Caraga at Davao Region.

Wika naman ni House Speaker Alan Cayetano, hahanap umano ng paraan ang Kongreso at gagawa ng “better policy” para mas maayos ang pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng SAP.

“This is not to point fingers, but to find a better way of delivering the social amelioration and other benefits to our people,” sabi ni Cayetano.

Loading…