COVID-19 cases sa bansa aabot sa 40,000 pagdating ng June 30 – UP researchers

  • Bilang ng COVID-19 cases sa bansa posibleng umabot sa 40,000 sa June 30
  • Sinabi ng UP research team na tumaas ang COVID-19 infection rate sa bansa nang simulan ang reopening ng ekonomiya
  • Dapat umanong pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang Cebu at Metro Manila kung saan mayroong pagtaas ng bilang ng COVID-19 infections

Ang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas ay posibleng umabot sa 40,000 sa katapusan ng buwan ng Hunyo; babala ng mga researchers mula sa University of the Philippines (UP).

Imahe mula sa Pixabay

Ang kanilang projection ay ibinatay sa umiiral na trend sa datos ng COVID-19, ayon kay Professor Guido David ng University of the Philippines College of Mathematics sa isang press briefing na pinangunahan ng Department of Health.

Batay sa datos noong June 8, 2020, nagkaroon ng pagtaas ng bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, mula sa average na 222 new COVID-19 cases kada araw noong umiiral ang enhanced community quarantine sa Metro Manila ay naging 375 new cases ito kada araw noong ipinairal ang general community quarantine.

Naging 549 cases a day ang average nito simula nang ipairal sa Metro Manila ang general community quarantine.

Ang reproduction number o R0 (pronounced as R-naught) sa bansa ay mahigit sa 1.2, batay sa bilang ng naiulat na bagong kaso at test results. Indikasyon ito na ang pandemic ay patuloy pa ring lumalaganap at hindi pa nagpa-flatten.

Gamit ang kasalukuyang value ng reproduction number, at kung ang trend ay magpapatuloy, magkakaroon ng 40,000 COVID-19 cases sa bansa sa June 30 at ang bilang ng mga hindi papalaring makaligtas ay aabot na sa 1,850. 

Imahe mula sa Pixabay

“Right now, ‘yung projection namin, ginamit lang namin ‘yung R0 na 1.2 sa Philippines. So, ‘yung projection actually is nasa 40,000 cases by June 30,” paliwanag ni Prof. David, na miyembro rin ng UP OCTA Research na naglalabas ng  forecast report tungkol sa COVID-19.

Ayon sa isa pang member ng research team na si UP Political Science Associate Professor Ranjit Singh Rye, ang galaw ng mga tao at ang pagkakalapit-lapit ng mga ito ang pangunahing sanhi ng community transmission.

Sabi ni Rye tumaas ang infection rate nang simulan ang reopening ng ekonomiya ng bansa.

“The important thing to note, last May 30 the R naught was 2. When we opened up the economy, tumaas nga ang infection rate natin. So, that was last May 30,” sabi ni Prof. Rye.

Imahe mula sa InterAksyon

Bagama’t bumaba na sa 1.2 ang R0 sa bansa ay hindi pa rin dapat magluwag ng restriksyon ang pamahalaan upang hindi dumaming muli ang COVID-19 cases sa bansa.

Binigyang-diin ni David at Rye na dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang Cebu at Metro Manila kung saan mayroong pagtaas ng bilang ng COVID-19 infections.

“Pero ang main battleground nasa NCR pa rin at Cebu sa ngayon,” sabi ni Prof. David.

Aniya, ang ibang lugar, maliban sa dalawang nabanggit, ay nagtatagumpay na laban sa COVID-19.

Loading…