COVID-19 vaccine na dini-develop sa China may magandang resulta sa human trial

  • Maganda ang resulta ng clinical trials para sa COVID-19 inactivated vaccine na dini-develop sa China
  • Nagkaroon ng mataas na lebel ng antibodies ang mga participants sa clinical trial
  • Walang nakitang anumang masamang epekto sa mga participants ang vaccine candidate na tinawag na BBIBP-CorV

Isa sa limang COVID-19 vaccine na dini-develop sa China ang nagpakita ng magandang resulta sa isinagawang clinical trials.

Imahe mula sa China News

Ang vaccine candidate na mula sa Wuhan Institute of Biological Products na nasa ilalim ng China National Pharmaceutical Group, na mas kilala bilang Sinopharm, ay tinatawag na BBIBP-CorV. Isa itong inactivated vaccine na ang ibig sabihin ay ginamitan ng patay na coronavirus. Kaiba ito sa live vaccine na ginagamitan ng buhay, pero pinahinang virus.

Ang naturang inactivated vaccine ang kauna-unahang vaccine candidate na pumasok na sa 2nd phase ng clinical trial sa China.

Batay sa resulta ng clinical trial na sinimulan noong buwan ng Abril, napag-alaman na ang 1,120 participants sa clinical trial, na ang mga edad ay nasa pagitan ng 18 at 59 years old, ay nagkaroon ng mataas na lebel ng antibodies na may kakayahang magbigay ng proteksyon laban sa SARS-COV-2, ang virus na nagsasanhi ng COVID-19.

Nasa mabuting kundisyon ang mg participants at walang nakitang masamang epekto sa kanila matapos mabakunahan.

Kakailanganin ng mas marami pang participants para sa second phase ng clinical trial upang mas lalong masuri ang pagiging ligtas at epektibo ng bakuna.

Imahe mula sa Xinhuanet

Sinabi ni Yang Xiaoming, CEO ng Sinopharm, na susubukan naman nila ang inactivated vaccine sa mga may edad 60 pataas at mas bata sa six years old.

“Expand the age group from above 60 to under six may offer us more possibilities and various results,” sabi ni Yang.

“Inactivated vaccines don’t provide immunity that is as strong as live vaccines, several doses over time are needed in order to get ongoing immunity against diseases,” sabi pa niya.

Imahe mula sa VCG

Sa mga ginagawang clinical trials, kailangan umano nilang malaman kung ilang beses dapat bakunahan at kung gaano karami ang dosage naibibigay sa pasyente.

Sa pagtataya ng Sinopharm, aabot pa sa anim na buwan bago makumpleto ang vaccine assessment kaya posibleng sa susunod na taon pa magiging available ang bakuna.

Source :

CGTN, ABS-CBN

Loading…